
Image from pexels.com
Babayaran ng Singapore ang mga nars nito ng bonus na hanggang 100,000 Singaporean dollars para hikayatin silang manatili sa bansa habang may umiiral na kakulangan ng kawani sa mga ospital at mabilis na tumatanda ang populasyon.
Humigit-kumulang 29,000 nars ang maaaring makatanggap ng nasabing bonus, kabilang ang mga dayuhang nars na apat na taon nang nagtatrabaho sa bansa, sabi ni Health Minister Ong Ye Kung noong Martes.
Karamihan sa mga dayuhang nars sa Singapore ay nagmula sa mga kalapit na bansa kabilang ang Malaysia, Pilipinas at Myanmar.
“Nais naming suportahan ang aming mga nars na gumawa ng isang mahusay na trabaho,” sabi ni Ong.
Sa ilalim ng planong insentibo na inanunsyo ni Ong, ang mga nars ay may karapatan na makakuha ng hanggang 100,000 Singaporean dollars ($74,500) sa loob ng 20 taon, o hanggang sa edad ng pagreretiro, alinman ang mauna.
Noong nakaraang taon, inilunsad ng pamahalaang Singapore ang 15,000 Singaporean dollars na bonus para sa mga bagong mamamasukang nars sa mga pampublikong ospital o klinika.
Ang Singapore, tulad ng maraming bansa sa Asya, ay nakikipagbuno sa tumatanda nang populasyon.
Tinatantya ng health ministry na isa sa apat na Singaporeans ay magiging 65 anyos o mas matanda sa 2030, habang tinatayang 83,000 seniors ang mamumuhay nang mag-isa.