
Photograph courtesy of pexels.com
Google Preferred Sources
Get more Daily Tribune stories in your search results
Add Daily Tribune as a preferred source on Google Search.
Isang babaeng nagparenta ng kanyang kotse ang nagulat nang makita ang sasakyan niya sa isang viral video ngayon kung saan ginamit umano sa drifting sa Maa, Davao City.
Ayon sa mga ulat, makikita sa video ang normal na pagtakbo ng mga sasakyan sa Bypass Road gabi ng Pebrero 16 at ilang saglit pa, isang silver na kotse ang bigla na lamang lumiko at nagpaikot-ikot sa kalye na tila nagdi-drifting.
Sinabi ng Davao City Police na isang babae ang dumulog sa kanila at nagpakilalang siya ang may-ari ng nasabing sasakyan.
Sinabi ng babae na pinarentahan niya ito noong Pebrero 10 sa isang taga-Cotabato City.
Nagulat na lamang siya nang nakita sa social media ang kaniyang kotse.
Gamit ang GPS, natunton ng mga otoridad ang sasakyan at nadakip ang lalaking nagrenta.
Humingi na ng paumanhin ang lalaki, na umaming nagpasikat lang siya kaya siya nag-drifting.
Mahaharap ang lalaki sa reklamong paglabag sa Land Transportation and Traffic Code.

Tatlumpu't limang (35) turista ang naiulat na na-stranded sa Batanes nitong Sabado matapos makansela ang mga flight…

Nanatiling naka-confine sa Philippine National Police General Hospital nitong Miyerkules ang inarestong si Senador…

Tennis star World No.32 Alexandra "Alex" Eala, uuwi ng bansa para sa fan meet kasama ang mga Pinoy na tagahanga.

Patuloy na binabantayan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang lagay ng panahon sa ilang bahagi ng bansa na apektado…

Bagama't parehong binigyan ng perpektong "10/10" na marka ng prosecution at defense panel ang kani-kanilang sarili para…

Noong Miyerkules, tinupad ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kanyang hangarin na makasama sa pamamahala ng gobyerno…