
Google Preferred Sources
Get more Daily Tribune stories in your search results
Add Daily Tribune as a preferred source on Google Search.
Iniulat ng mga otoridad na isang pugot na bangkay ng lalaki na walang saplot at posible ring pinahirapan ang natagpuan sa gilid ng diversion road sa Carmona, Cavite.
Batay sa mga ulat, sinabing nakita ang katawan na nakabalot ng kumot sa Barangay Lantic noong nakaraang Sabado ng hapon at nakitaan rin ng mga galos at pasa sa buong katawan ng lalaki, na nagsisilbing mga bakas na pinahirapan ang biktima.
Nabalatan din ang ilang parte ng kaniyang mga kamay at paa dahil sa higpit ng kaniyang pagkakagapos.
Nakita sa lalaki ang isang dragon tattoo, na nagsisilbing tanging pagkakakilanlan sa kaniya.
Ayon sa Carmona Police, tila mga propesyunal ang gumawa ng pagpatay sa lalaki at ikalawang crime scene na lamang ang lugar dahil wala nang nakitang masyadong dugo rito.
Hawak na ng Carmona Police ang mga CCTV sa lugar upang matukoy ang mga sasakyang dumaan na maaaring nagtapon sa biktima.
Nakikipag-ugnayan na rin sila sa Presidential Anti-Organized Crime Commission dahil tinitingnan din ang posibilidad na dayuhan ang biktima, base na rin sa kaniyang tattoo at balat.
Sinilip na ng PAOC ang pinangyarihan ng krimen at ang katawan ng biktima, na nailibing na. Patuloy rin ang pakikipag-ugnayan ng PAOC sa Chinese Embassy at iba pang embahada sa bansa upang tumulong sa pagkilala sa mga nakitang mga katawan.

Tatlumpu't limang (35) turista ang naiulat na na-stranded sa Batanes nitong Sabado matapos makansela ang mga flight…

Nanatiling naka-confine sa Philippine National Police General Hospital nitong Miyerkules ang inarestong si Senador…

Tennis star World No.32 Alexandra "Alex" Eala, uuwi ng bansa para sa fan meet kasama ang mga Pinoy na tagahanga.

Patuloy na binabantayan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang lagay ng panahon sa ilang bahagi ng bansa na apektado…

Bagama't parehong binigyan ng perpektong "10/10" na marka ng prosecution at defense panel ang kani-kanilang sarili para…

Noong Miyerkules, tinupad ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kanyang hangarin na makasama sa pamamahala ng gobyerno…