
Photo courtesy of PCG
Google Preferred Sources
Get more Daily Tribune stories in your search results
Add Daily Tribune as a preferred source on Google Search.
Inihayag ng Philippine Coast Guard nitong Lunes na inalis na ng Chinese Coast Guard ang mga inilagay na floating barriers sa Bajo de Masinloc na unang nakita sa mga satellite images na nakuha ng PCG.
Ayon kay PCG spokesperson Commodore Jay Tarriela, Pebrero 15 nang nakita sa satellite images ang inilagay ng CCG na floating barriers ngunit naalis ito nang magbigay ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources ng suplay sa mga mangingisdang Pilipino sa lugar.
Batay din sa satellite images na kanilang sinusubaybayan, inaabangan ng CCG ang mga barko ng Philippine Coast Guard na magtatangkang pumasok sa lagoon sa Bajo de Masinloc.
Giit ni Tarriela, ang ginagawa ng CCG ay isang iligal na aksyon dahil pangunahing apektado dito ay mga Pilipinong mangingisda at sa kabila naman ng panibagong development na ito sa naturang karagatan, patuloy pa ring iniuulat ng mga Pilipinong mangingisda ang mga insidenteng kinasasangkutan ng mga dayuhan sa loob ng exclusive economic zone ng Pilipinas.
Kung matatandaan, una nang naglagay ng tinatayang 300-meter-long floating barrier ang China noong Setyembre ng nakalipas na taon sa timog-silangang bahagi ng Bajo de Masinloc para pigilan ang mga mangingisdang Pilipino na makapasok sa lugar.
Pero tinanggal ito ng PCG dahil ito ay panganib sa paglalayag at isang malinaw na paglabag sa international law.
Sa ibang kaugnay na balita, nilinaw ng PCG na wala pang scientific study o ebidensiya na magpapatunay na gumagamit nga ng cyanide ang ilang banyagang mangingisda para sirain ang Bajo de Masinloc kaya hindi pa nito makumpirma ang naturang ulat kaugnay sa cyanide fishing sa naturang bahura.
Sinabi naman ni BFAR spokesperson Nazario Briguera na nakatanggap sila ng reports mula sa kanilang ground personnel na ipinaabot ng mga Pilipinong mangingisda na namamalaot sa lugar na nakita nila ang pinsala sa bahura na bunga umano ng paggamit ng cyanide ng ilang banyagang mangingisdang Tsino at Vietnamese.
Kaya naman bilang tugon, hiniling ng BFAR na magsagawa ng regular na pagpapatrolya sa lugar para maberipika ang naturang alegasyon ng mga lokal na mangingisda.
Sa pamamagitan nito ay magkakaroon ng katunayan o ebidensya na ginagawa nga ito ng mangingisdang Chinese at iba pang banyagang mangingisda.
Samantala, sinabi ng PCG na patuloy itong magsasagawa ng rotational deployment sa lugar kasama ang BFAR para mapanatili ang ating presensiya at upang matiyak ang seguridad ng mga mangingisdang Pilipino sa lugar.

Tatlumpu't limang (35) turista ang naiulat na na-stranded sa Batanes nitong Sabado matapos makansela ang mga flight…

Nanatiling naka-confine sa Philippine National Police General Hospital nitong Miyerkules ang inarestong si Senador…

Tennis star World No.32 Alexandra "Alex" Eala, uuwi ng bansa para sa fan meet kasama ang mga Pinoy na tagahanga.

Patuloy na binabantayan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang lagay ng panahon sa ilang bahagi ng bansa na apektado…

Bagama't parehong binigyan ng perpektong "10/10" na marka ng prosecution at defense panel ang kani-kanilang sarili para…

Noong Miyerkules, tinupad ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kanyang hangarin na makasama sa pamamahala ng gobyerno…