Senator Christopher "Bong" Go congratulates all elected candidates of this year's barangay and Sangguniang Kabataan elections.
Here is his full statement:
Congratulations sa lahat ng mga nanalo sa nakaraang barangay and SK elections. Ang hamon ko sa inyo ay unahin palagi ang interes at kapakanan ng inyong mga nasasakupan nang may tunay na pagmamahal at malasakit sa kapwa.
As you enter public service, always remember that public office is a public trust. Alagaan niyo yung ibinigay na tiwala ng ating mga kababayan sa inyong lahat.
Bilang mga opisyal sa barangay, kayo ang pinakaunang malalapitan ng mga kababayan natin bilang nasa frontline ng pamahalaan. Kayo rin ang mas nakakaalam sa mga araw-araw na pangangailangan ng inyong mga nasasakupan—mula sa pambayad sa ospital, libing, sunog, baha, lindol, seguridad, at iba pa. At bilang inyong senador, tutulong ako sa inyo sa abot ng aking makakaya.
Sa mga SK leaders, tandaan palagi na ang mga kabataan ang pag-asa ng ating bayan. Malayo po ang inyong mararating basta unahin n'yo lang po ang pagmamahal at pagseserbisyo sa kapwa ninyo kabataan nang may buong husay at katapatan.
Ngayong tapos na ang eleksyon, magkaisa tayo para sa ikabubuti ng ating mga komunidad. Sa mga natapos na ang termino, sa mga magsisimula pa lang ang termino, at sa mga patuloy na magsisilbi sa kanilang mga komunidad, salamat po sa inyong dedikasyon sa paglilingkod sa bayan.
Daku pud ang akong pasalamat sa atong mga teachers, elections officials ug tanan na nitabang para mapatigayon ang hapsay na piniliay.