SUBSCRIBE NOW SUPPORT US

Sanya Lopez, may bagong serye?

Sanya Lopez, may bagong serye?
Published on

May mga umuugong na balita na may bagong proyekto ang aktres na si Sanya Lopez at matapos maging First Yaya at First Lady, gaganap siiya bilang si Prinsesa Urduja na tinaguriang "mega-serye" ng GMA.

Aminado naman si Sanya na kahit kinakabahan siya, magandang pressure daw ang nararamdaman niiya sa paghahanda para sa nasabing serye.

"Nakaka-kaba 'yung part na 'yun kasi s'yempre marami ang may alam sa iba't-ibang lengguwahe, marami ang may chance na makanood nitong Urduja, kaya dapat talaga nating tutukan din yung mga bagay na iyan," saad ni Sanya.

Si Urduja ay isang legendary warrior princess na pinaniniwalaang tubong Pangasinan kaya baka ancient Pangasinan dialect ang gagamitin ni Sanya.

Sa kuwento kasi ni Urduja, sinumpa niyang magpapakasal lang s'ya sa lalaking makakatalo sa kanya sa duelo.

Samantala, iingatan at bubusisiin daw ang mga dayalogo ng "mega serye" tulad ng ginagawa sa Maria Clara At Ibarra na isang historical fantasy series naman na may malalalim na salitang Tagalog. Kaya naman sasalang din sa language at speech training si Sanya at iba pang cast members.

Hindi lamang iyan, dahil tinatayang action-packed ang serye, kaya sasabak si Sanya sa training sa paggamit ng arnis, at pangangabayo.

"Hindi lang pagkakabayo ang mangyayari. S'yempre andoon ang laban, andoon ang may mga hawak pa kaming ibang sandata. Kailangan namin ng time talaga na kasama namin yung kabayong gagamitin namin sa mga eksena," sabi ni Sanya.

Ang nasabing serye ay bale reunion rin nila ng mga kapwa niya Encantadia 2016 Sang'gre na sina Kylie Padilla at Gabbi Garcia. Si Glaiza de Castro lang ang absent.

Latest Stories

No stories found.
logo
Daily Tribune
tribune.net.ph