SUBSCRIBE NOW SUPPORT US

Apektado pa rin

Apektado pa rin
Published on

Hindi maikakailang malaking tulong sa publiko ang pagkakaroon ng libreng sakay sa EDSA Carousel bus line dahil talagang nakakatipid ang ating mga mananakay sa pamasahe lalo ngayong patuloy ang pagtaas ng mga bilihin.

Tulong rin ito sa mga bus drivers at operators na kasama sa programa ng pamahalaan na ito dahil sigurado na ang kanilang kita na magmumula sa gobyerno, na medyo kahit nade-delay ay naibibigay naman.

Ang problema lamang, dahil rin sa libreng sakay na programa ng pamahalaan sa EDSA ay may apektadong sektor na rin ng pampublikong transportasyon – ang ating mga taxi drivers.

Ayon kasi sa ilang mga taxi drivers, nababawasan na ang kanilang mga nakukuhang pasahero bunsod nang pagpapatupad ng libreng sakay sa EDSA Bus Carousel dahil mas pinipili na ng mga pasahero ang pumila upang makasakay ng libre.

Maging ang mga pasaherong nanggagaling ng probinsya ay mas pinipili nang tangkilikin ang libreng sakay.

"Kumonti po ang pasahero namin, siyempre mas pipiliin ang libreng sakay," ayon sa isang taxi driver.

Sabi naman ng mga tsuper ng bus carousel, mas marami ang mga sumasakay sa kanila tuwing alas-11 ng gabi.

Samantala, nagpapasalamat naman ang mga regular na pasahero sa carousel sa libreng sakay na magtatagal hanggang katapusan lamang ng taon dahil wala na umanong inilaan na budget para sa proyekto.

Una nang nasabi ng mga awtoridad na nasa P10 milyon hanggang P15 milyon kada araw ang nagagastos para sa libreng sakay.

Kung iisiping mabuti, nahaharap ang pamahalaan sa problema ng pagbabalanse, kung paanong matutulungan ng pantay ang lahat ng sektor sa bansa.

Sana lamang may maisaayos ito ng gobyerno at nawa'y magkaroon rin sila ng programa na para naman sa ibang naaapektuhan ng kanilang mga proyekto.

Latest Stories

No stories found.
logo
Daily Tribune
tribune.net.ph