Andrea Torres, napaiyak

Andrea Torres, napaiyak

Napaiyak pala ang aktres na si Andrea Torres nang makita niya ang labing-apat na paintings ni Andrea bilang si Sisa, ang ginagampanan niyang role sa phenomenal hit series na Maria Clara At Ibara ng GMA na iginuhit ng isang pulis.

Sa sobrang paghanga kasi ni Patrolman Marcus Borromeo ay nilikha niya ang mga paintings na halaw mula sa mga eksena at publicity photos niya bilang Sisa.

Nitong nakaraan nga ay nagkita na ang dalawa at wala umanong ideya ang dalaga sa magaganap nilang pagkikita.

Ang akala niya ay pupunta siya sa isang sit-down interview at laking gulat ni Andrea na pagdating niya sa venue ay naka-display ang mga paintings niya bilang si Sisa sa iba'iba nitong emosyon.

"Oh my gosh, kamukhang-kamukha ko. 'Tsaka andami niyang ginawa," madamdaming bulalas ni Andrea.

Hindi nga napigilan ng aktres na maging emotional at nayakap pa niya ang pulis bilang pasasalamat at pagpapakita ng kanyang appreciation sa effort ni Patrolman Borromeo.

Saad naman ni Patrolman Borromeo, iba raw ang dating sa kanya ng magandang Kapuso star kaya na-engganyo siyang ipinta ito.

"Hindi ganu'n klaro 'yung mga linya at details kasi sa puso at isip ko, habang nagpipinta ako, may desisyon at may tanong akong iniiwan na 'Anong gagawin ko next?'

"Kasi iba po talaga 'yung dating n'yo sa akin, Ma'am," pagtatapos ni Patrolman, addressing Andrea.

Samantala, sa kanya namang social media ay naglabas din ang appreciation post ang dalaga using video collage ng kanilang pakikita ni Patrolman Borromeo.

In her caption, una niyang pinapurihan ang inspiring character ni Sisa at saka siya nagpasalamat kay Patrolman Borromeo for passionately capturing her images on canvas.

Related Stories

No stories found.
logo
Daily Tribune
tribune.net.ph