
Photo by Joey Sanchez Mendoza
Google Preferred Sources
Get more Daily Tribune stories in your search results
Add Daily Tribune as a preferred source on Google Search.
Kahit pa naglabas na ng suggested retail price para sa presyo ng sibuyas ang Department of Agriculture (DA), wala pa rin umanong mabibiling sibuyas sa P250 bawat kilo sa Metro Manila.
Kung matatandaan, sa Administrative Circular Number 12 na inilabas ng DA ay itinakda ang SRP na P250 sa kada kilo ng pulang sibuyas na may katamtamang laki.
Pero ayon kay DA Assistant Secretary Kristine Evangelista, mga lumang stock pa ng sibuyas ang mabibili ngayon sa mga palengke at mas mataas sa SRP ang puhunan base sa monitoring ng ahensya.
"Kinausap natin ang market masters dahil nga wala pong makasunod sa P250 peso per kilo today dahil 'yong stocks po nila binili sa mas mataas na halaga but we are linking para po ang ating farmer cooperatives can also supply," sabi ni Evangelista.
"Ina-identify po ngayon ng mga market masters kung anong mga retailers ang willing to buy. One part is getting the supply. The next part is having a retailer say yes. Ang mga retailer minsan may mga utang sa kanilang supplier kaya hindi po ganoon kadali ka kanila mag-shift ng supplier," dagdag niya.
Sa Kamuning Market, naglalaro sa P600 hanggang P650 ang kada kilo ng pulang sibuyas.
Ayon pa sa DA, tanging mga Kadiwa Stores muna ang kanilang masusuplayan ng sibuyas para may mabilhan ang mga mamimili ng sibuyas na nasa P170 kada kilo.
Sa Kadiwa Store sa Quezon City Memorial Circle, blockbuster ang pila ng mga namili at dinumog ang panindang sibuyas na mas mababa ang presyo kumpara sa palengke.
May puting sibuyas din mula Nueva Ecija na mabibili sa halagang P170 kada kilo.

Tatlumpu't limang (35) turista ang naiulat na na-stranded sa Batanes nitong Sabado matapos makansela ang mga flight…

Nanatiling naka-confine sa Philippine National Police General Hospital nitong Miyerkules ang inarestong si Senador…

Tennis star World No.32 Alexandra "Alex" Eala, uuwi ng bansa para sa fan meet kasama ang mga Pinoy na tagahanga.

Patuloy na binabantayan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang lagay ng panahon sa ilang bahagi ng bansa na apektado…

Bagama't parehong binigyan ng perpektong "10/10" na marka ng prosecution at defense panel ang kani-kanilang sarili para…

Noong Miyerkules, tinupad ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kanyang hangarin na makasama sa pamamahala ng gobyerno…