P3.4M shabu, nasabat
Umaabot sa P3.4 milyong halaga ng pinaniniwalaang shabu ang nasabat ng mga otoridad sa isang buy-bust operation sa Novaliches, Quezon City.
Ayon sa Quezon City Police District, 2 lalaki ang naaresto sa naturang operasyon, kung saan aabot sa 500 gramo ng hinihinalang shabu ang nakuha at ang mga ito ay nakalagay sa pakete ng Chinese tea bag at plastic ziplock.
Base sa initial na imbestigasyon ng QCPD Station 4, hanapbuhay ng pamilya ng isa sa mga suspek ang pagtitinda ng ipinagbabawal na gamot.
Isang kinilalang "Boss" na pinaniniwalaang anak ng isang kilalang drug pusher sa lugar ay nakadetine ngayon sa Bicutan at may kapatid rin siyang nakakulong naman sa Quezon City jail at kasamang naaresto ang umano'y runner ni "Boss."
Itinaggi naman ng mga ito ang lahat ng bintang sa kanila.
Dati nang nakulong umano si "Boss" sa pagkakasangkot sa illegal na droga at nakalaya lang umano dahil sa plea bargain.
Matagal na umanong subject ng pulisya ang suspek sa kanilang operasyon laban sa ilegal na droga at malaking kawalan sa mga drug user sa Caloocan, Valenzuela at Novaliches ang pagkakahuli sa mga suspek.
Patuloy din ang kanilang follow-up operation kung saan nanggagaling ang supply ng ilegal na binebenta ng mga naarestong suspek.
