
Tatlumpu't limang (35) turista ang naiulat na na-stranded sa Batanes nitong Sabado matapos makansela ang mga flight…

Nanatiling naka-confine sa Philippine National Police General Hospital nitong Miyerkules ang inarestong si Senador…

Tennis star World No.32 Alexandra "Alex" Eala, uuwi ng bansa para sa fan meet kasama ang mga Pinoy na tagahanga.

Patuloy na binabantayan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang lagay ng panahon sa ilang bahagi ng bansa na apektado…

Bagama't parehong binigyan ng perpektong "10/10" na marka ng prosecution at defense panel ang kani-kanilang sarili para…

Read next

What's your take?
Google Preferred Sources
Get more Daily Tribune stories in your search results
Add Daily Tribune as a preferred source on Google Search.
Continue reading
Sa pagpasok na ang Bagong Taon, inaasahang magkakaroon ng matinding putukan sa mga kalsada ngayong nagluwag na ang mga alert level restrictions.
Hindi naman talaga maiiwasan ito, dahil siguradong nasasabik na ang lahat na ipagdiwang ang pagpasok ng Bagong Taon matapos ang dalawang taon na walang selebrasyon dahil sa coronavirus disease.
Pero ngayon ngang nasisiguro na ang paggamit ng paputok, nagpaalala ang mga animal rights advocate sa mga may alagang hayop na bigyan sila ng angkop na pagkalinga sa pagsalubong ng Bagong Taon dahil mas sensitibo sila sa ingay.
Ayon kay Manny Tangco, founder ng Malabon Zoo, Aquarium & Botanical Garden, mainam kung ipapasok sa komportableng kuwarto ang mga hayop at yakapin o himasin sila para mapakalma tuwing makaririnig ng ingay.
Nakiusap din si Tangco sa mga pet owners na huwag nang gumamit ng paputok dahil masakit ito sa tainga ng mga hayop.
"The dogs can hear four times better than human beings and the cats can hear better than the dogs. Even the tigers, maski tulog ho 'yung mga tigre eh nakikinig pa din po iyan sa paligid niya," saad ni Tangco.
"Or we can always be with them po, comforting them, assuring them: 'Hey, I'm here for you no matter what.' Kasi ma-insecure 'yun 'pag iniwanan lang natin 'yon," dagdag niya.
Ayon kay Tangco, hindi naman mabibingi ang mga hayop agad pero mai-stress sila sa ingay.
"Imagine if you were the dog or the cat, pagpasok ng ingay sa tainga mo, 'Ung wung wung!' It's really terrible for the animals," sabi pa ni Tangco.
Ayon naman kay Dr. Rollie Encarnacion Jr., national auditor ng Philippine Veterinary Medical Association, dumarami ang mga hayop na dinadala sa klinika dahil sa problema sa tainga at pagkabalisa matapos ang pagdiriwang ng Bagong Taon.
Bukod sa pagbibigay ng espasyo, pinapayuhan niya ang mga naga-alaga na painumin ng malamig na tubig ang mga hayop para mapakalma.
"Kasi 'yung malamig na tubig can calm down the animals," saad ni Encarnacion. "Any unusual sound, it will really have a sensitive reaction sa mga animals."
Kaya naman sa pagsalubong natin sa Bagong Taon, kailangang isaalang-alang pa rin natin ang ating mga alagang hayop.