
Tatlumpu't limang (35) turista ang naiulat na na-stranded sa Batanes nitong Sabado matapos makansela ang mga flight…

Nanatiling naka-confine sa Philippine National Police General Hospital nitong Miyerkules ang inarestong si Senador…

Tennis star World No.32 Alexandra "Alex" Eala, uuwi ng bansa para sa fan meet kasama ang mga Pinoy na tagahanga.

Patuloy na binabantayan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang lagay ng panahon sa ilang bahagi ng bansa na apektado…

Bagama't parehong binigyan ng perpektong "10/10" na marka ng prosecution at defense panel ang kani-kanilang sarili para…

Read next

What's your take?
Google Preferred Sources
Get more Daily Tribune stories in your search results
Add Daily Tribune as a preferred source on Google Search.
Continue reading
Abot-langit ang pasasalamat ng aktres na si Dimples Romana sa nakuhang patimpalak sa "Gabi ng Parangal" ng Metro Manila Film Festival (MMFF) nang hirangin siya bilang "Best Supporting Actress" para sa kanyang pagganap sa drama film na "My Father, Myself."
Hindi man siya nakadalo sa awards night, ibinahagi ng aktres ang kanyang pasasalamat sa kanyang IG kung saan makikita ang isang video clip na kung saan ay ang buong cast ng pelikula ang kumuha ng kanyang award sa stage.
Tila hindi makapaniwala ang aktres sa kanyang panalo at inilarawan pa niya ito bilang isang biyaya sa kanyang buhay.
"Biggest pahabol blessing (gift emoji) Father God, I feel unworthy and yet you bless me still with so much more than what I feel I deserve (pleading face emoji)," sabi ni Dimples.
Ikinuwento pa ng aktres na nagsilbing inspirasyon sa kanya ang mga artistang nakasama niya sa pelikula.
"So fitting that Jake, Quinn, Sean and Tiff accepted the award on my behalf because my work as Amanda would not have been as stellar if not for the strong commitment to excellence everyone on set have put out for our film," sabi ng aktres.
"Silang apat kasama pa sina Direk Joel, Nay Len, Mother Dennis and the whole team inspired me to give it my very best to make sure my work is at par with theirs. What a joy to work with people who empower you to do be better always," dagdag pa niya.