
Tatlumpu't limang (35) turista ang naiulat na na-stranded sa Batanes nitong Sabado matapos makansela ang mga flight…

Nanatiling naka-confine sa Philippine National Police General Hospital nitong Miyerkules ang inarestong si Senador…

Tennis star World No.32 Alexandra "Alex" Eala, uuwi ng bansa para sa fan meet kasama ang mga Pinoy na tagahanga.

Patuloy na binabantayan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang lagay ng panahon sa ilang bahagi ng bansa na apektado…

Bagama't parehong binigyan ng perpektong "10/10" na marka ng prosecution at defense panel ang kani-kanilang sarili para…

Read next

What's your take?
Google Preferred Sources
Get more Daily Tribune stories in your search results
Add Daily Tribune as a preferred source on Google Search.
Continue reading
Napapabalita ngayon na mag-on na umano ang aktres na si Charlie Dizon at ang award-winning actor na si Carlo Aquino matapos kumalat sa social media ang larawan nilang dalawa nang mag-dinner sila kamakailan.
Sa post ni Charlie, makikita sa larawan ang kanilang "dinner date" kasama ang ilan sa mga malalapit nilang kaibigan sa showbiz, kabilang na si Belle Mariano at makikitang magkatabi ang dalawa na nakadekuwatro pa ang dalaga habang ang kamay ng aktor ay nakahawak sa kanyang hita.
Parang nakahawak naman si Charlie sa braso ni Carlo.
"Holiday dinner. What a fun night. So nice to see my sisters from another mother (heart emoji)," saad ni Charlie sa caption.
Sa comments section ay parang may nalalaman na ang TV host-actress at singer na si Jolina Magdangal hinggil sa relasyon nina Carlo at Charlie.
Sabi ni Jolens, "Ayun na!!! (smiling emojis)."
Tanging smiling face with heart-shaped eyes emojis naman ang naging komento ni Dimples Romana na tila may alam din sa tunay na relasyon nina Carlo at Charlie.
Comment naman ni Belle sa post ni Charlie, "Love youuu!!! (heart, face throwing a kiss emojis)."
Kung matatandaan, magkatambal sina Charlie at Carlo sa pelikula ng ABS-CBN Films na "Love on a Budget )" na ipapalabas na sa 2023.
Inamin naman ni Carlo na ilang buwan na ang nakararaan ay kinumpirma nga niyang naghiwalay na sila ng dating partner na si Trina Candaza.
Biniyayaan sila ng isang anak, ang two-year-old na ngayong si Mithi.