
Tatlumpu't limang (35) turista ang naiulat na na-stranded sa Batanes nitong Sabado matapos makansela ang mga flight…

Nanatiling naka-confine sa Philippine National Police General Hospital nitong Miyerkules ang inarestong si Senador…

Tennis star World No.32 Alexandra "Alex" Eala, uuwi ng bansa para sa fan meet kasama ang mga Pinoy na tagahanga.

Patuloy na binabantayan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang lagay ng panahon sa ilang bahagi ng bansa na apektado…

Bagama't parehong binigyan ng perpektong "10/10" na marka ng prosecution at defense panel ang kani-kanilang sarili para…

Read next

What's your take?
Google Preferred Sources
Get more Daily Tribune stories in your search results
Add Daily Tribune as a preferred source on Google Search.
Continue reading
Ngayong nagtataasan na ang mga presyo ng pangunahing bilihin, sumasabay na rin sa pagtaas ang presyo ng pulang sibuyas sa bansa na umaabot na umano sa P500 isang kilo sa ilang mga pamilihan.
Ang ganitong klaseng pagtaas ay talaga namang nakakadagdag pa sa hirap na nararanasan ng ating mga kababayan na hindi na malaman kung saan pa kukuha ng pambili ngayong halos abot-langit na ang presyo ng mga bilihin.
Kaya naman inirekomenda na ang Department of Agriculture at stakeholders ang pagpapataw ng P250 kada kilong suggested retail price sa pulang sibuyas at target na simulan ito sa Biyernes hanggang sa Disyembre 31.
Sa stakeholders meeting ng Department of Agriculture, lumalabas na araw-araw tumataas ng P50 ang presyo ng sibuyas sa mga palengke habang umabot naman sa P700 kada kilo ang sibuyas sa ilang parte sa Metro Manila.
Isa sa nakitang dahilan kung bakit sumipa nang labis ang farm gate price ay ang nangyaring bidding sa mga magsasaka at mga bumibili ng sibuyas.
"Ang nangyari, hindi lamang po kasi household consumers ang nangangailangan ng mga sibuyas. Mayroon din po tayong mga institutional buyers. Ito po 'yong mga restaurant. Dahil sa pangangailangan nila, sila rin po ay dumiretso sa ating mga farmers," saad ni DA Spokesperson Kristine Evangelista.
"But what happened also was bidding ang nangyayari. So 'pag nagtaas po ng presyo ang isang buyer, then 'yong mga buyer na iba kailangan po para mabili nila 'yong sibuyas tapatan nila 'yon o dapat mas higit pa. Kaya isa po 'yon sa mga rason kung bakit tumaas daw ang farm gate [price], " dagdag pa niya.
Isinasantabi na rin ng DA ang importasyon para maiwasang makipagkompetensiya sa mga magsasakang aani na sa Enero.
Ngayon, nakikipagkompromiso sila sa producers na tulungan silang ibaba ang farm gate price para hindi na pumalo sa labis na presyo ang retail.
Nilinaw din ng DA na hindi naman daw nila hahayaang malugi ang mga nagtitinda na nakabili ng sibuyas nang mataas ang puhunan at hindi kayang ibenta ito sa P250 at hindi rin sila umano mangungumpiska ng mga suplay at kakausapin nang maayos ang mga tindera.
Mukhang maganda ang hangarin ng hakbang ng DA na magkaroon ng SRP para sa presyo ng sibuyas.
Sana lamang ay matapos na ang kalbaryo ng ating mga kababayan pagdating sa taas-presyo.