
Ibinahagi ng model-actress na si Solenn Heussaff ang kanyang pregnancy journey sa ikalawang anak nila ng mister na si Nico Bolzico sa bagong YouTube vlog kung saan December 14 nga ay ipinanganak niya ang kanilang second baby.
Sa latest video, mapapanood ang ilang eksena ng pagdadalang-tao ni Solenn, pati na rin ang ilang throwback moments habang ipinagbubuntis niya ang panganay na anak na si Thylane.
Nabanggit din ni Solenn na ginawa niya ang vlog habang siya ay 38 weeks pregnant pa lamang.
"I'm not so sure what's going to happen just because I forgot what it's like to have a newborn but what I did this time is to take the pregnancy in a chill way. Enjoy it, not panic too much, not read too much online," sabi ni Solenn.
Inalala pa ng aktres ang "high-risk pregnancy" niya kay Tili na naging dahilan kaya isinilang niya ito ng limang buwan pa lamang.
"Of course when you're pregnant for the first time, everything makes you freak out and you Google everything and everything seems to be more negative than it is positive," saad ng celebrity mom.
Naikwento din niya kung gaano siya kaselan sa pagbubuntis ngayon dahil naging prone daw siya sa "blood clotting."
Dahil daw diyan ay kinakailangan niyang mag-inject sa sarili niyang tiyan.
"This pregnancy is such a breeze. Injections, I'm just used to it… I have so much energy. I do my workouts. I'm still lifting my daughter. I'm 38 weeks now and she's 15 kilos and I'm still lifting her," sabi ng aktres.