Nadine Lustre, hindi pa ready

Aminado ang aktres na si Nadine Lustre na hindi pa umano siya ready na magpakasal sa sa kanyang Filipino-French boyfriend na si Christophe Bariou at bumuo ng sarili nilang pamilya.
Sa kanyang acceptance speech matapos niyang manalo bilang Best Actress sa Metro Manila Film Festival 2022 para sa pelikulang "Deleter," nabanggit ni Nadine ang kanyang non-showbiz businessman boyfriend at isa nga ito sa mga taong pinasalamatan niya.
"Unang-una sa lahat, gusto kong magpasalamat sa MMFF. Sobrang unreal sa pakiramdam na pinili nila yung Deleter kasi hindi talaga namin in-expect na makakasama yung Deleter sa MMFF. Itong award na ito, idi-dedicate ko ito sa pamilya ko at sa mga kaibigan ko na patuloy na sumusuporta sa akin, sa boyfriend kong si Chris, and of course sa Viva family ko, and sa team Deleter. Sobrang saya namin. Hindi talaga namin in-expect yan. Masayang masaya kaming lahat na nagbabalik na ang mga pelikulang Pilipino sa sinehan. Mabuhay ang MMFF at mabuhay ang pelikulang Plipino," sabi ni Nadine.
Kuwento ni Nadine, hindi raw talaga fan ng horror films si Christophe pero talagang nanood daw ito para suportahan siya.
"He was very supportive talaga kahit nu'ng nagsu-shoot kami. Nagpupunta siya sa location, hinahatid niya ako minsan. He understands I guess how tiring and how taxing kasi nga horror. And usually we would shoot every night, medyo late na din. So he knows how taxing it could be. He's just there to support me and always inspire me and tell me to always give my 110% kahit na may mga days na 'Ah sige bahala na yan!' He would always remind me to always give my 110%," sabi pa ng dalaga.
At sa tanong nga kung malapit na rin ba silang magpakasal ni Christophe, "Ay wala pa, hindi pa ready. Ha-hahahaha!" sagot ni Nadine.
