
Tatlumpu't limang (35) turista ang naiulat na na-stranded sa Batanes nitong Sabado matapos makansela ang mga flight…

Nanatiling naka-confine sa Philippine National Police General Hospital nitong Miyerkules ang inarestong si Senador…

Tennis star World No.32 Alexandra "Alex" Eala, uuwi ng bansa para sa fan meet kasama ang mga Pinoy na tagahanga.

Patuloy na binabantayan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang lagay ng panahon sa ilang bahagi ng bansa na apektado…

Bagama't parehong binigyan ng perpektong "10/10" na marka ng prosecution at defense panel ang kani-kanilang sarili para…

Read next

What's your take?
Google Preferred Sources
Get more Daily Tribune stories in your search results
Add Daily Tribune as a preferred source on Google Search.
Continue reading
Tanggap na tanggap ng pamilya ng aktor na si Rayver Cruz ang relasyon niya sa Asia's Limitless Star na si Julie Anne San Jose at ayon sa kapatid ni Rayver na si Rodjun, umaasa siyang pang-forever na nga ang pagmamahalan ng dalawa.
Aminado si Rodjun na isa rin siya sa mga fans na natutuwa sa magandang relasyon nina Rayver at Julie Anne at sana nga raw ay patuloy na maging solid ang kanilang relationship.
"Sobrang happy ko talaga for Rayver and Julie," sabi ni Rodjun. "Grabe sila kapag magkasama, sobrang talentado nila, ha! Nanood nga ako ng concert nila na 'JulieVerse,' as a kuya, grabe, naiyak ako kasi nagsa-shine siya nang sobra and nakikita ko na masaya silang dalawa."
"Ang dami nilang nai-inspire. So, pinagdarasal ko silang dalawa dahil alam kong marami silang napapasayang tao. Lahat naman ng talent, galing 'yan kay Lord. Basta magdasal lang silang dalawa.
Napakasipag at mahal na mahal nila ang trabaho nila," dagdag niya.
In fairness, tuwang-tuwa nga ang kanilang supporters at social media followers kapag nakikita silang magkasama sa mga ipino-post nilang mga litrato at video sa social media.
Nito ngang nagdaang Pasko ay nagpasabog muli ng kilig vibes ang Kapuso couple sa socmed kaya naman tuwang-tuwa ang kanilang mga fans.
At sa tanong kung boto ba si Rodjun kay Julie Anne para sa kanyang utol na si Rayver, isang mabilis na "Oo naman!" ang sagot nito.
"Kasi si Julie kilala ko na 'yan dati pa lang, ilang years na rin naman ako sa GMA, ang dami niyang kayang gawin, sobrang talented, pero sobrang humble. Kasi, minsan yung iba ito lang ang talent pero sobrang yabang na. Ito, sobrang humble. Parang ikaw pa ang mahihiya na magyabang sa kanila kasi sobrang galing nila. At saka sobrang galing niya makisama," paliwanag pa ni Rodjun.