SUBSCRIBE NOW
SUBSCRIBE NOW

Bella Racelis, BF na ba si Joshua Garcia?

Bella Racelis, BF na ba si Joshua Garcia?
Published on: 

Umuugong na naman ang mga bali-balita sa social media na may kaugnayan sa tunay umanong status ng relasyon ng social media influencer na si Bella Racelis at aktor na si Joshua Garcia.

Ilang mga netizens na ang nagtatanong ngayon kung magkasama nga bang nagbabakasyon ngayon sa Japan ang dalawa dahil kung titingnan umano ang kanilang mga IG, ay magkasunod silang nag-post na nasa Tokyo.

May mga nagsasabi rin na halatang magkasama sina Joshua at Bella.

Unang nag-post si Bella ng kanyang solo pictures habang nag-iikot sa Japan.

Nilagay niya sa kanyang location ang Shibuya, Tokyo at may caption pa itong, "Good afternoon."

Mababasa pa sa comment section ng kanyang IG post ang hirit ng sandamakmak na netizens na "photographer reveal."

Ilang oras ang nakalipas ay nag-post na rin si Joshua at makikita sa caption ang mga katagang, "a day in tokyo (Japan flag emoji)."

Puro solo pics lang din ang ibinandera ng aktor kaya naman ang netizens ay tinadtad din ang comment section at nagre-request din ng "photographer reveal."

Ilang buwan nang nali-link si Bella kay Joshua at hanggang ngayon ay wala pa ring malinaw na sagot tungkol sa estado ng kanilang relasyon.

Unang umugong ang balitang may "something" sa pagitan nilang dalawa matapos silang maispatan na magkasama sa isang party sa Bonifacio Global City sa Taguig. Ilang beses na ring spotted ang dalawa na magkasama at isa na diyan ay 'yung nag-trending na picture ng dalawa na magka-holding hands pa habang namamasyal sa isang mall.

Latest Stories

No stories found.
logo
Daily Tribune
tribune.net.ph