Catriona Gray, confidently beautiful

Patuloy pa rin ang adbokasiya ni Miss Universe 2018 Catriona Gray kahit apat na taon na ang nakalipas mula nang ipasa niya ang kanyang korona.
Patuloy pa rin siya sa kanyang adbokasiya at outreach program para sa mga mahihirap na kababayan at gaya nitong Pasko, namigay siya ng food package sa hindi bababa sa isanlibong pamilya.
Sa Isang Instagram post ay ibinandera niya ang ilang litrato ng mga nabigyan ng kanyang Christmas food package.
Pinasalamatan din ng beauty queen ang lahat ng mga nag-donate at sumuporta sa kanyang kampanya upang maisakatuparan ang kanyang goal ngayong Pasko.
"THANK YOU to everyone who donated and supported the @youngfocusph Christmas Family Food Package Campaign. With your generosity, 1000 families received a food package to enjoy with their loved ones this Christmas. Maraming maraming Salamat!!!" saad ni Catriona.
Kamakailan lang ay naging usap-usapan si Catriona sa social media dahil sa mysteryoso niyang social media post na kung saan ay may caption siya na , "Today made me the happiest."
