Sunday, 12 July 2026
Nasdaq +0.29%
Subscribe NowSupport Us

Daily TribuneDaily TribuneDaily Tribune

Daily TribuneDaily TribuneDaily Tribune
Subscribe
Sunday, 12 July 2026
Nasdaq +0.29%
  • News
  • Commentary
  • Business
  • Life
  • Show
  • Sports
  • Global Goals
Partner feature
Daily TribuneDaily Tribune

The Philippines' leading digital newspaper.

News
  • Headlines
  • Page three
  • Metro
  • Nation
  • Dyaryo Tirada
  • Obituary (Remember Me)
Commentary
  • Columnists
  • Opinion
  • Editorial
  • Scuttlebutt
  • Letter to the Editor
Business
  • Shipping
  • Portraits
  • Pep
  • Business Advisories
  • Technology (Tech Talks)
Life
  • Show
  • Food & Drink
  • Getaways
  • Arts & Culture
  • Social Set
  • Spaces
  • Fashion & Beauty
  • The Edit
  • Top Form
  • Next Gen
  • Sacred Space
  • Project Larawan
  • Snaps
Sports
  • Hoops
  • Volley
  • Golf
  • Goal
  • Boxing
  • Tennis
  • Esports
  • Blast

Company

  • About
  • Contact
  • Advertise
  • Privacy
  • Subscribe
  • Support Us

© 2026 Daily Tribune · tribune.net.ph · Powered by Quintype

DYARYO TIRADA

PRESYO NG SIBUYAS, P500 ISANG KILO!

KE

Kitoy Esguerra·28 December 2022, 5:55 am

Text size

Share

PRESYO NG SIBUYAS, P500 ISANG KILO!
Partner feature

Inihayag ng Department of Agriculture (DA) na pumapalo na umano sa P500 hanggang P600 ang kada kilo ng sibuyas sa ilang palengke sa Metro Manila dahil bukod umano sa mataas ang demand ngayong holiday season, mataas na rin umano farm gate price ng naturang gulay.

Ayon kay Israel Reguyal na magsasaka ng sibuyas mula Bongabon, Nueva Ecija, 20 porsiyento lang ng kanilang tanim ang napakinabangan dahil sa mga bagyo at para umano makabawi sa gastos, umaabot na ng P400 kada kilo ang farm gate price ng sibuyas.

"Nag-start kami magtanim month of August. Nasira siya. Tapos umulit-ulit kami. Pangatlong ulit na namin itong inaning ito. 'Yong production cost, times 3 na po amin kino-compute," ayon kay Reguyal.

Bilang alternatibo, hinihikayat ng DA ang mga mamimili na tangkilikin ang mga durutdot o mga bansot na sibuyas.

Mabibili ito ng P170 kada kilo.

Ayon sa mga magsasaka, dating itinatapon lang ang mga bansot na sibuyas pero dahil sa taas ng presyo at mababang suplay, pinakikinabangan na rin ito ngayon.

Ilang mamimili ang bumili ng durutdot sa Kadiwa Store para makatipid.

"Mahal sa palengke eh. Mga P500 na. Pagtiyagaan na para may gamitin na medyo mura," ayon sa mamimiling si RD Esmaña.

Sa kalagitnaan ng Enero pa inaasahang bababa ang presyo ng sibuyas sa mga palengke.

Ayon sa DA, posible itong bumalik sa P150 hanggang P200 kada kilo kapag nagsimula na ang anihan. Pero sa ngayon, plano ng DA na i-subsidize ang ilang gastusin ng mga magsasaka tulad ng transportasyon.

Target ng DA na mapababa ng hanggang P200 kada kilo ang sibuyas sa mga Kadiwa Store.

"Even if we minimize the layers of traders, 'pag ang start off point mo which is the farm gate mataas na, mataas na talaga sa retail. We'd like to help them bring down the cost of production. Bakit sa Kadiwa at hindi sa palengke? Kasi ang Kadiwa ay kaya nating i-absorb ang ibang cost," ani DA Assistant Secretary Kristine Evangelista.

Para sa Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG), huli na rin para mag-angkat ng sibuyas dahil kokompetensyahin lang nito ang anihan sa Enero.

"Too late na. Dapat pumasok ito November, December. Darating January 15 na. Harvest na ng mga magsasaka natin. Sinabi naman natin sa DA 'yon na November to December, konti lang ang harvest kaya dapat nagpasok sila ng konti para maibigay sa mga consumer," ani SINAG Chairman Rosendo So.

Share

Google Preferred Sources

Get more Daily Tribune stories in your search results

Add Daily Tribune as a preferred source on Google Search.

Add to Google
Partner feature
Partner feature

Suggested Articles

35 turista, stranded sa Batanes dahil sa malakas na hangin ni Inday
DYARYO TIRADA

35 turista, stranded sa Batanes dahil sa malakas na hangin ni Inday

Tatlumpu't limang (35) turista ang naiulat na na-stranded sa Batanes nitong Sabado matapos makansela ang mga flight…

Abegail Esquierda·11 July 2026

Marcoleta, hindi pa maililipat sa kulungan dahil sa mga karamdaman
DYARYO TIRADA

Marcoleta, hindi pa maililipat sa kulungan dahil sa mga karamdaman

Nanatiling naka-confine sa Philippine National Police General Hospital nitong Miyerkules ang inarestong si Senador…

Louisse Kalingag·10 July 2026

Eala, sasaglit sa bansa para sa fan meet
DYARYO TIRADA

Eala, sasaglit sa bansa para sa fan meet

Tennis star World No.32 Alexandra "Alex" Eala, uuwi ng bansa para sa fan meet kasama ang mga Pinoy na tagahanga.

Louisse Kalingag·10 July 2026

PBBM, bantay-sarado kay 'Inday'
DYARYO TIRADA

PBBM, bantay-sarado kay 'Inday'

Patuloy na binabantayan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang lagay ng panahon sa ilang bahagi ng bansa na apektado…

Louisse Kalingag·10 July 2026

Kiko Barzaga, naniniwalang mauuwi sa acquittal ang impeachment case ni VP Sara
DYARYO TIRADA

Kiko Barzaga, naniniwalang mauuwi sa acquittal ang impeachment case ni VP Sara

Bagama't parehong binigyan ng perpektong "10/10" na marka ng prosecution at defense panel ang kani-kanilang sarili para…

Abegail Esquierda·9 July 2026

Benhur Abalos, itinalaga bilang CabSec
DYARYO TIRADA

Benhur Abalos, itinalaga bilang CabSec

Noong Miyerkules, tinupad ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kanyang hangarin na makasama sa pamamahala ng gobyerno…

Louisse Kalingag·9 July 2026