Kris Bernal, naging Santa Claus

Ibang pagdiriwang ang ginawa ng aktres na si Kris Bernal nitong Pasko, dahil nagmistula siyang Santa Claus para sa mga abandoned at rescued animals na nasa MBY Pet Rescue and Sanctuary, isang non-profit organization sa Rizal.
Sa Instagram, ipinakita ng aktres na mahigit 2,000 ang napakain niyang mga aso at pusa.
"#KRISanta has arrived in town, specifically at MBY Pet Rescue & Sanctuary, to give a Christmas Pawsome party to 2000+ dogs & cats with my loyal SHE-zums! We did it!!" saad ni Kris sa caption.
"My heart is full knowing we've managed to provide 700kgs of pet food to over 2000 abandoned animals," dagdag niya.
Sinabi pa ng aktres na alam niyang maliit na bagay lang daw ang kanyang nagawa, pero masayang-masaya raw siya dahil marami silang napasayang furbabies.
"I know it's far from enough and it's still a long way to go to help small sanctuaries like MBY but I'm happy that my team and I mounted this event to make this festive season extra memorable, not only for us, but these furbabies too (folded hands emoji)," sabi ng aktres.
Lubos niyang pinasasalamatan ang lahat ng sumuporta sa kanyang donation drive at ayon sa kanya ay "worth it" ang lahat ng efforts na kanyang ginawa.
