
Sa wakas ay nagsalita na rin ang aktres at fashion icon na si Heart Evangelista kaugnay sa estado ng relasyon nila ng asawang si Senador Chiz Escudero.
Nitong nakaraan kasi ay nagpost ang aktres ng isang video kung saan ibinandera niya ang suot na relo with a dual time display.
"Living between two worlds — Paris and Manila. Walking around Paris before heading home for New Year," sabi ni Heart sa caption.
"See you soon @escuderochiz," dagdag pa niya.
Ito ang unang pagkakataon na binanggit ni Heart ang pangalan ni Chiz sa kanyang socmed post makalipas ang ilang buwan mula nang mapabalitang naghiwalay na sila.
Nitong mga nagdaang buwan ay pabalik-balik si Heart sa France para sa ilang commitments at raket. Kamakailan ay ibinalita niya na nakabili siya ng apartment doon dahil mapapadalas na raw ang pagpunta niya sa Paris.