
Umuugong ngayon ang mga bali-balitang engaged na raw si Miss Universe 2018 sa kanyang boyfriend na aktor na si Sam Milby.
Ito ay kasunod sa naging post ng dalaga sa IG ng isang larawan kung saan na nasa Australia at may picnic setup at naka-tag din sa picture ang kanyang boyfriend at aktor na si Sam.
"Today made me the happiest (cloud emoji)" sabi ni Catriona sa caption.
Kaya naman maraming netizens ang naging curious sa tila misteryosong IG post ng beauty queen at makikita pa sa comment section ang mga tanong ng fans kung engaged na nga ba ang celebrity couple.
"Why does my mind think of a proposal the moment I read the caption," sabi ng isang fan.
Tanong pa ng isang netizen, "Did Sam propose to you? when is the big day. Will it be held in the Philippines, Australia or somewhere else?"
Hula naman ng isang nag-comment, "I'm guessing this is a proposal (ring emoji)"
Kung matatandaan ay taong 2020 nang kumpirmahin nina Catriona at Sam ang kanilang tunay na relasyon.
Noong nakaraang buwan lang din nang umamin si Sam na nais na niyang magkaroon ng sariling pamilya.