
Nilinaw ng aktres na si Bea Alonzo na depende pa rin sa script at magiging availability ng schedule nina Bea Alonzo at John Lloyd Cruz kung matutuloy na nga ang kanilang reunion movie sa pagpasok ng 2023.
Ito ang sagot ng dalaga sa kumalat na "fake news" umano ang balitang pinaplano na ang bago nilang movie together.
Nitong mga nakaraang araw, may lumabas na balitang nagsalita raw si John Lloyd na hindi totoo ang naging pahayag ni Bea gagawa nga sila uli ng pelikula under Star Cinema.
Nilinaw rin ng dalaga ang nasabing issue kung saan pinalalabas ngang nagsisinungaling siya about their reunion project dahil itinanggi nga raw ito ni JL.
Agad daw niyang tinawagan si John Lloyd hinggil dito.
"Siyempre tinawagan ko siya agad. Tutal magkaibigan naman kami, tinawagan ko siya and he denied that he said that. We both agree na hindi kami magpapaapekto sa kung ano-ano man (intriga at tsismis)," sabi ni Bea.
Nauna nang sinabi ni Bea na pagkatapos ng Kapuso primetime series nila ni Alden Richards sa GMA 7 na "Start-Up PH" ay gagawa uli siya ng pelikula.
At isa nga sa mga gusto niya ay ang reunion movie nila ni John Lloyd pero paglilinaw niya, "Lahat ito ay magdedepende pa sa time naming dalawa.
"Kung magtutugma at magdedepende pa sa script kung mababasa na ni John Lloyd and if he will agree to doing it," pahayag ni Bea sa isa niyang interview.
"It's very exciting and nakaka-flatter din kasi kahit na sobrang tagal na naming magkapareha hindi pa rin nawawala 'yung interes nila sa amin," dagdag pa niya.