
Nagiging usap-usapan ngayon ang larawan na kumakalat sa social media kung saan magkasama ang Ex-Battalion member Skusta Clee at Viva sexy actress na si Ava Mendez.
Si Skusta ang nagpost sa kanyang IG ng larawan na kasama ang dalaga.
"Maligayang Pasko," maikling saad ni Skusta Clee.
Makikita rin na nakaakbay at naka-pose ng tila hahalik sa dalaga ang Ex-Battalion member.
May Instagram story rin ito na magkasama sila noong December 25, mismong araw ng Pasko.
Kaya naman marami sa mga netizens ang naiintriga kung talaga bang may namamagitan kina Skusta Clee at Ava.
Matatandaang kamakailan lang rin nang maging matunog ang dalawa sa social media nang mag-trending ang sweet photos nila together.
May ilan pa ngang nagbanggit ng pangalan ni Aira Lipata nang maglabasan ang larawan nina Skusta Clee at Ava dahil tila hindi nagtagal ang kanilang relasyon at maybibang babae na tong ibinabandera sa social media.
Doon kasi niya ipinatattoo ang pangalan ni Skusta ngunit mukhang pinatakpan na niya ito na naging tanda ng mga netizens na wala nang relasyon ang dalawa lalo na't si Ava na nga ang ipini-flex nito sa social media.