Lovi Poe, kinaaliwan


Tuwang-tuwa ang mga netizens sa aktres na si Lovi Poe dahil sa mga hugot nito sa social media.
Nahirapan kasi ang dalaga na mag-book para sa mga online app delivery dahil naghahabol siyang makakuha ng mga gamit bago matapos ang Kapaskuhan.
Nitong December 24, napahugot na nga lang ang aktres sa kanyang Twitter account dahil sa kahirapan na makapag-book online.
"Ang grab delivery ngayon parang chismis… walang gustong mag-confirm," tweet ni Lovi.
Marami naman ang mga naka-relate na madlang pipol sa hugot ng aktres at napahugot na rin.
Three decades after the Marcopper mining disaster devastated Marinduque’s waterways, the province is again pressing the…
Housing is probably the biggest issue affecting people the world over.
Malacañang on Monday called for a more thorough investigation into the questioned flood control projects in Taguig…
The defense on Monday backed the move by senator-judges to exclude a prosecution witness who testified on the firearms…
"Parang tricycle din 'yan dati sila ang lalapit sa'yo pero dahil marami na silang pasahero lalampasan ka nila kahit kaway-kaway ka pa. That's the reality. Demand and Supply lang 'yan," saad ng isang netizen.
Comment naman ng isa, "Same haha… actually pati mga store din Kaya walang masyadong delivery."
Isang delivery rider naman ang nag-comment rin sa tweet ni Lovi.
"Im a rider. Halos po kasi lahat ng delivery rider ay nasa kanilang pamilya kaya po konti lang po ako ang nagrreceive ng delivery," sabi ng netizen.
Totoo naman, dahil marahil ay marami ang abala rin sa kanilang pagluluto at pag-aayos para sa Pasko kaya naman kakaunti lang ang riders available para mag-take ng mga bookings.