
Aminado ang aktres na si Heaven Peralejo na komportable siyang makasama ang aktor na si Ian Veneracion sa mga maiinit na eksena nila sa sa pelikulang "Nanahimik ang Gabi" at ayon sa dalaga, ang Mommy Shiela Peralejo ang consultant niya at kasama ring humarap kina Direk Shugo Praico at producers na sina Philip King at Direk Lino Cayetano para pag-usapan kung paano ang gagawin.
"Si mom 'yung number one consultant ko po hanggang sa nag compromise kami ni direk Shugo with how I wanted and how they wanted (sexy scenes). At some point hindi pa rin naman talaga matatanggal na may sexual scenes na gagawin for the film to arrive do'n sa story na 'yun," saad ni Heaven.
Ayon pa sa dalaga, unang pagkakataon ito sa showbiz career niya na gumawa ng sexy scenes at kandong scene kasama si Ian.
"Tungkol po sa pagkandong ko with Chief (karakter ng aktor), with Ian..how can I say this, kasi he made me feel so comfortable around him. I feel like….hindi ako off-cam na kumakandong! Ayaw ko no'n, hindi naman. "It's just more like since we're comfortable with each other, we get to lauch with each other's joke. 'Yung pagkandong, it's work! It's not malicious para sa personal life ko and I think 'yun 'yung maganda sa aming dalawa (tumingin kay Ian), we have set the boundaries very clearly and once I can see that siya si Chief ang bilis ko uling mapunta sa character ko as Me-Ann," kuwento ng dalaga.
"Kasi itong kaming tatlo (with Mon Confiado and Ian) is teamwork kasi, so if ever naiilang ako parang nakakahiya naman sa mga beteranong aktor na hindi ko galingan, di ba?" dagdag niya.
Napuri naman siya ni Ian dito dahil napag-usapan nga raw nila ni Mon ..na parang beterana na rin si Heaven kung paano niya binigyan ng hustisya ang karakter niya as Me-Ann.
Samantala, inamin ni Heaven na namulat siya after doing "Nanahimik ang Gabi."
"'Yung lesson na I got from the film parang anon a siya H in my heart kung baga. Siguro ang tagal lang din na kasi itong production na ito para kaming pamilya, parang ako 'yung Baby Girl nila kasi full of guys kasi sila, 'yung buong prod and nakaka-miss to be working with them. And also siyempre with Chief (natawa), bakit ganyan ang tingin mo (sabi kay Ian) hi, hi, hihi, bat' ka ganyan tumingin? Nako-conscious ako. Ha, ha, ha, ha." tumatawang saad ni Heaven.