
Google Preferred Sources
Get more Daily Tribune stories in your search results
Add Daily Tribune as a preferred source on Google Search.
Sinabi ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) nitong Lunes na anim ang nasawi habang nasa 19 naman ang naiulat na nawawala sa nangyaring pag-ulan at pagbaha sa araw ng Pasko.
Batay sa ulat ng ahensiya, apat umano ang nasawi sa Misamis Occidental sa Mindanao, at dalawa naman sa Camarines Sur sa Bicol at pawang mga nalunod umano ang mga biktima.
Sinabi naman ng NDRRMC na 10 ang naiulat na nawawala sa Bicol, anim mula sa Eastern Visayas, at tatlo naman sa Northern Mindanao habang may tatlong tao rin ang iniulat na nasugatan.
"The waters rose above the chest in some areas, but today the rains have ceased," saad ni civil defense worker Robinson Lacre sa Agence France-Presse sa pamamagitan ng telepono mula sa Gingoog city.
Ayon sa NDRRMC, nasa 262 barangay sa Mimaropa, Bicol, Eastern Visayas, Zamboanga, at Northern Mindanao, ang apektado ng ulan at baha na dulot ng shear line o pagtatagpo ng mainit at malamig na hangin.
Nasa 21 bahay ang nawasak at 27 ang bahagyang napinsala.
Samantala, isang mangingisda ang milagrong nakaligtas matapos magpalutang lutang ang bangka nito sa laot ng tatlong araw.
Sa dagat nag-Pasko ang mangingisda na Jaime Cawaja, na mula sa Barangay Palactad, Quinapondan, Eastern Samar.
Gutom at walang lakas ang 47-anyos na mangingisda ng ma-rescue ng mga awtoridad sa may Barangay Balagawan, Silago, Southern Leyte, nitong Lunes.
Ayon sa imbestigasyon, hindi gumana ang fishing motor boat dahil nasira ang spark plug nito habang siya ay nasa laot.
Unang iniulat ng Quinapondan Municipal Police na nawawala si Cawaja, kasama ang kapwa manginigsda na si Elmer Cawaja na huling nakitang sakay ng berdeng pumpboat.
Lubos naman ang pasasalamat ni Jaime sa lahat ng tumulong sa kaniya at siya ay nagagalak na makakasama niya ang kaniyang pamilya sa selebrasyon ng bagong taon.

Tatlumpu't limang (35) turista ang naiulat na na-stranded sa Batanes nitong Sabado matapos makansela ang mga flight…

Nanatiling naka-confine sa Philippine National Police General Hospital nitong Miyerkules ang inarestong si Senador…

Tennis star World No.32 Alexandra "Alex" Eala, uuwi ng bansa para sa fan meet kasama ang mga Pinoy na tagahanga.

Patuloy na binabantayan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang lagay ng panahon sa ilang bahagi ng bansa na apektado…

Bagama't parehong binigyan ng perpektong "10/10" na marka ng prosecution at defense panel ang kani-kanilang sarili para…

Noong Miyerkules, tinupad ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kanyang hangarin na makasama sa pamamahala ng gobyerno…