Sofia Andres,hiwalay na?


Umuugong ang balita ngayong hiwalay na ang aktres na si Sofia Andres sa kanyang partner na si Daniel Miranda dahil napansin ng mga netizens na naka-unfollow na umano ang aktres sa ama ng kanyang anak na si Zoe.
Isa pa sa mga nagpalala ng curiosity ng mga netizens ay ang pagpo-post ni Daniel ng larawan nila ni Zoe bilang Christmas greeting sa madlang pipol at kapansin-pansing wala ang aktres sa naturang litrato.
Sa IG naman ng aktres, si Zoe lamang na nakaupo sa sahig na may malaking Christmas tree at mga regalo sa likuran ang ibinahagi niya at sa huling larawan ay magkasama na silang dalawa.
Sa kabila nito, marami pa rin sa mga netizens ang umaasang sana ay nagkatampuhan lang ang dalawa at magiging maayos rin ang lahat sa pagitan nila lalo na at may anak sila.
A traditional dish called zongzi is served during China’s Dragon Boat Festival, which falls in June. It is a rice…
Divina credited the firm’s achievements to its members, thanking them for their ‘hard work, dedication, teamwork, and…
‘Sec. Vince Dizon, please explain how this finding of your own team should not be flagged as a ghost project in Taguig.’