Rita Daniela, nanganak na

Nakapanganak na ang aktres na si Rita Daniela tatlong araw bago ang Pasko at sa kanyang IG, ibinahagi niya ang itinuturing niyang pinakamagandang regalo sa kanya ngayong kapaskuhan.
Ipinakita ni Rita ang larawan niya habang buhat buhat ang kanyang baby boy na pinangalanan niyang Juan Andres o si Baby Uno.
"Hi, my son. You're the greatest Christmas gift that God has given me. You're such a blessing to us. Your Tatay and I are so joyful to have you. Can't believe I'm celebrating Christmas this way.. with you," sabi ni Rita.
Marami naman ang nagpaabot ng congratulatory messages para bagong blessing ni Rita.
Ilan rito ay sina Julie Anne San Jose, Barbie Forteza, Kylie Padilla, at Mavy Legaspi.
"Homaygaddd congratulations taaaa @missritadaniela truly a blessing!" comment ni Julie Anne
