
Inamin ng aktres na si Michelle Madrigal na sa isang dating app niya nakilala ang kanyang kasalukuyang boyfriend na si Kyle at sa kanyang vlog ay ikinuwento niya kung paano nagsimula ang kanilang love story.
Ayon sa kanya, sa isang dating app na "Hinge" niya nakilala at nakausap si Kyle.
"We met through Hinge, so it's a dating app. Obviously, hindi ako masyadong lumalabas being a single mom. And nag-swipe siya at ako rin, and then we started chatting," sabi ni Michelle.
Natuwa raw ang aktres sa profile picture ng lalaki sa dating app dahil makikitang kasama nito ang kanyang mga anak.
"Nandon yung pictures ng kids niya. I also had my daughter sa profile ko. You could really tell kung ano 'yung character ng lalaki the way they are sa kids nila," lahad ni Michelle.
Dagdag pa niya, dahil abala siya sa pagiging single mom ay wala na siyang iras para lumabas at makipag-date kaya naman dating apps na lang ang kanyang nakagawiang gamitin.
Looking back, sa isang dating app rin na Tinder nakilala ng aktres ang dating asawang si Troy Woolfolk at nagbunga nga ang kanilang pag-iibigan ng isang cute baby girl.
Kaya naman biniro siya ng mga netizens at sinabihang "patron saint" ng mga dating apps.
Sa kabila nga ng pagsasapubliko niya kay Kyle ay ang pag-amin niya na sa ngayon ay wala pa silang label pero aware sila na gusto nila ang isa't isa.