SUBSCRIBE NOW
SUBSCRIBE NOW

Ina Raymundo, hot mama

Ina  Raymundo,  hot  mama
Published on: 

Talagang certified na "hot mama" pa rin ang aktres na si Ina Raymundo at pinatunayan niya ito nang maglabas siya sa kanyang social media ng isang kuha mula sa isang photoshoot video kung saan nakasuot siya ng isang ng sexy silver dress.

Makikita mismo sa video kung gaano ka-toned at fit na fit ang katawan ng aktres.

Ayon kay Ina, limang beses sa isang linggo siya nagwo-workout kaya talagang napapanatili niya ang kaniyang alindog.

"This is what working out 5x a week and eating clean look like (white heart emoji)" I still exercise 5x a week but I'm also eating extra (crap) now (laughing face emoji)," sabi ni Ina.

Nabanggit pa niya na plano niyang ituloy ang ginagawang workout upang lalo pang maging malusog.

"My goal for next year is to bring the same discipline. I just want to be more fit & healthy (red heart emoji)" saad ng aktres.

Napa-wow naman ang maraming netizens kay Ina.

Latest Stories

No stories found.
logo
Daily Tribune
tribune.net.ph