SUBSCRIBE NOW SUPPORT US

Barko, sumilong sa Northern Samar

Barko, sumilong sa Northern Samar
Published on

Nakikisilong ngayon sa Capul Island sa Northern Samar ang isang barko kung saan sakay ang 25 na mga crew matapos na maabutan ng masamang panahon.

Ayon sa mga paunang ulat, 9:30 ng umaga nitong Sabado ng dumaong ang barkong LCT LEGACY 1 sa isla.

Sinabi naman ng MDRRMO Capul at Coast Guard Northern Samar na galing Northern Samar ang barko at papuntang Lipata Point sa Quezon province.

Pero nagkaroon ng steering casualty o nasiraan ng timon ang barko habang naglalayag at dahil sa malalaking alon ng dagat kaya napilitan ang kapitan ng barko na hindi muna ituloy ang paglalayag.

Ligtas ang 25 na mga crew.

Sila ay humingi agad ng saklolo mula sa Philippine Navy at sa Philippine Coast Guard.

Tumulong din sa kanila ang mga residente ng Barangay Aguin kung saan sila ngayon nakikisilong.

Ayon pa sa MDRRMO apektado ng shear line ang Capul, Northern Samar na nagdadala ng mga pag-ulan at maalon na karagatan.

Latest Stories

No stories found.
logo
Daily Tribune
tribune.net.ph