SUBSCRIBE NOW
SUBSCRIBE NOW

Sunshine Cruz, suportado

Sunshine  Cruz,  suportado
Published on

Inihayag ng aktres na si Sunshine Cruz na suportado umano siya ng mga anak na sina Sam, Angelina, at Francheska sa pagpapa-sexy niya sa pelikula niya sa Vivamax.

Sabi ni Sunshine, oo nga't hindi raw agad nasabi sa kanya na sa Vivamax ire-release ang pelikula nila pero hindi naman daw siya tatanggi dito.

"Wala namang ganu'n. 'Yong sa akin lang… Sabi ko nga, if it's from Vivamax or not, wala namang kaso sa akin kasi when I read the script I fell in love with it kaagad," pagtutuwid ng aktres.

"Natawa lang ako na nagulat na, 'Oh, bakit kailangan n'yong itago?' Wala namang problema sa akin. Trabaho is trabaho. It is a blessing," dagdag pa niya.

May tiwala naman daw siya direktor nilang si Direk Louie Ignacio na hindi siya lalabas na kahiya-hiya sa kanilang sexy-drama-thriller movie.

"Ako naman, malaki ang tiwala ko sa ating magaling na direktor na maiingatan ako. Of course, there are things that I need to protect lalo na tatlo ang mga anak ko na mga dalaga na," saad ni Sunshine.

"Pero I did one sexy movie also. I was a cougar sa Malamaya (2019) na movie. It was for Cinemalaya," dagdag niya.

Dito na n'ya naibahagi na suportado ng mga dalagang anak niya ang kanyang pagpapa-sexy sa pelikula.

"Nagandahan ang mga anak ko [sa Malamaya]. And ito [An Affair To Forget], looking forward na nga sila nu'ng nakita nila ang poster namin ni Angelica [Cervantes]," excited na lahad ng celebrity mom.

Latest Stories

No stories found.
logo
Daily Tribune
tribune.net.ph