
Nitong nakaraan ay nagpost ang international pop superstar na si Rihanna sa kanyang TikTok account kung saan ay ipinakita niya ang kanyang first baby sa kauna-unahang pagkakataon.
Ang video ng kanilang seven-month-old son ay kuha sa loob ng kotse at makikita ang pagiging masayahin ng tsikiting.
Caption naman ni Rihanna sa kayang post, "Hacked."
Naghatid ng good vibes ang first video ni Rihanna sa milyon-milyong netizens.
As of this writing ay umaani na ng mahigit four million likes ang nasabing video at libo-libong fans na ang nagko-comment.
Narito ang ilan sa mga nabasa naming komento:
"What a precious little guy! That smile is priceless!!"
"He is going to definitely drive the ladies crazy when he gets older, great looking parents and an extremely adorable and handsome little guy they have"
"Omg stop. I can't handle the cuteness!"
Wala pang rebelasyon ang singer kung ano ang pangalan ng kanyang baby, pero noong Mayo lang nang isinilang siya ni Rihanna.
Taong 2013 nang mag-umpisa ang pagkakaibigan nina Rihanna at A$AP Rocky.