SUBSCRIBE NOW SUPPORT US

Kitkat, dismayado

Kitkat,  dismayado
Published on

Aminado ang komedyanang si Kitkat na nadismaya siya nang muling masuspinde ang kanyang TikTok account na may almost one million followers dahil isang linggo pa lang daw kasi mula nang ma-recover n'ya ito ay heto't suspendido na naman.

Sa kanyang Instagram post, kinuwestiyon ng aktres ang pamunuan ng TikTok Philippines sa naging sanction sa kanyang account gayung wala naman daw s'yang ipino-post, bagkus ay nanonood lang sa video ng iba.

"Luh ano bang problema mo @tiktok_philippines nagvuview lang ako wala naman ako ginagawa suspended nanaman? Wala pa one wk [week] ng na restore account ko ah," himutok ni Kitkat sa kanyang IG post.

Kalakip nito ang screenshot photo ng TikTok video ng entrepreneur at online content creator na si Rosmar Tan na siyang pinanonood niya nang dumating ang notification ng TikTok sa pagsususpende sa account n'ya.

Kaya naman pakiusap ng celebrity mom and content creator sa nangyari, "[S]ana chinechek nyo kung nagvaviolate ba talaga… susko naman! huhuhu pls help po ulit @marksablan."

Matatandaan na unang humingi ng saklolo si Kitkat noong December 4 kung kailan unang beses na nasuspende ang kanyang TikTok account.

"HELP! Bkit bgla nagka ganito tiktok ko @tiktok_philippines @marksablan," panawagan n'ya that day sa kanyang IG post.

Noong December 13 naman nang ibinalita n'ya na na-retrieve na n'ya ang kanyang account.

logo
Daily Tribune
tribune.net.ph