SUBSCRIBE NOW
SUBSCRIBE NOW

Maureen Wroblewitz, may bf na?

Maureen Wroblewitz, may bf na?
Published on: 

Kumakalat ngayon ang balita na may bagong lovelife na ang Asia's Next Top Model cycle 5 winner at Miss Universe Philippines 2021 1st runner-up na si Maureen Wroblewitz at nitong nakaraan ay nag-post ang dalaga sa kanyang TikTok account ng isang maikling video clip gamit ang filter ng larong "Cards Against Humanity."

"More of this in 2023" saad sa card filter na gamit ni Maureen pagkatapos ay nag-flip ito at sinabing "men".

Saad niya sa caption, "i'm just kidding lol i already have someone [eyes emojis].

Umani naman ng iba't ibang reaksyon ang naturang post ng dalaga.

May isang netizen naman ang nagsabi kay Maureen ng "show us the someone mau" na sinagot naman niya ng "when the time is right".

Kaya naman palaisipan sa mga netizens kung ang someone na tinutukoy niya ay ang lalaking kasama niya noong November sa Siargao kung saan nakuhaan silang sweet na sweet habang magkatabi sa swing sa tabing dagat.

Matatandaang ibinahagi ni Maureen noon sa kanyang ang video na may kayakap siyang lalaki. Pareho silang nakatalikod kaya hindi kita ang kanilang mga mukha.

Hunyo rin ng taong ito nang maghiwalay sila ng singer-songwriter na si JK Labajo.

Mukha namang naging maayos ang break-up nina Maureen at JK base na rin sa naging Instagram post at mensahe nila sa isa't isa.

"Personal growth" ang idinahilan ng mga ito at sinabing mutual ang naging desisyon nila na maghiwalay.

Latest Stories

No stories found.
logo
Daily Tribune
tribune.net.ph