
Tatlumpu't limang (35) turista ang naiulat na na-stranded sa Batanes nitong Sabado matapos makansela ang mga flight…

Nanatiling naka-confine sa Philippine National Police General Hospital nitong Miyerkules ang inarestong si Senador…

Tennis star World No.32 Alexandra "Alex" Eala, uuwi ng bansa para sa fan meet kasama ang mga Pinoy na tagahanga.

Patuloy na binabantayan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang lagay ng panahon sa ilang bahagi ng bansa na apektado…

Bagama't parehong binigyan ng perpektong "10/10" na marka ng prosecution at defense panel ang kani-kanilang sarili para…

Read next

What's your take?
Google Preferred Sources
Get more Daily Tribune stories in your search results
Add Daily Tribune as a preferred source on Google Search.
Continue reading
Nitong nakaraan ay nagpanukala ang Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na isulong ang free trade agreement (FTA) sa pagitan ng Pilipinas at European Union (EU) upang makabangon ang ekonomiya ng bansa sa post-pandemic world.
Ang nasabing pagsusulong ng Pangulo ay suportado naman ng European Council (EC).
Isa ang PH-EU free trade deal talk sa isinulong ni Marcos Jr. sa sidelines ng Association of Southeast Asian Nations-European Union (ASEAN-EU) Commemorative Summit sa kanyang Belgium trip.
Mismong si European Council President Ursula Von der Leyen ang nagsiguro kay Marcos na susuportahan nila ang panukala ng Philippine government.
Ang Free Trade Agreement (FTA) ay tratado sa pagitan ng dalawang bansa o maraming mga bansa upang mapatatag ang kanilang commercial ties sa pamamagitan ng pag-alis ng umiiral na trade barriers sa pagitan nila.
Bukod sa panukalang PH-EU free trade agreement, isinulong din ni Marcos ang pagsali ng Pilipinas sa European Union's Generalized Scheme of Preferences Plus (GSP+).
Ayon kay Von der Leyen sa kanyang pulong sa Pangulo, ang GSP+ ay paraan upang mapabilis ang free trade agreement negotiations.
"Let's work on it," sabi ni Von der Leyen kay Marcos Jr.
Ang GSP+ ay isang EU specialized incentive arrangements para sa sustainable development at good governance sa anyo ng zero duties. Isa itong unilateral trade arrangement na nagbibigay ng zero tariff sa 6,274 produkto o 66% ng EU tariff lines.
Ayon kay Marcos, posibleng ang Pilipinas ang unang ASEAN country na makikinabang sa EU GSP+. Bago ang GSP+ application, ginagamit ng Pilipinas ang Standard GSP.
Noong 2012, ikadalawampu ang Pilipinas sa gumagamit sa scheme mula sa 140 mga benepisyaryo.
Ang mga hakbang na ito ng Pangulo ang dapat suportahan dahil para na rin ito sa kabutihan ng bansa at ng mga mamamayan nito.