
Ipinakita na ng aktres at TV host na si Solenn Heussaff sa publiko ang itsura ng second baby nila ng asawang si Nico Bolzico at sa kanilang social media, ibinahagi nila ang bagong-silang na anak na Lionel.
Nitong nakaraan ay nag-post si Solenn sa kanyang Instagram Story ng litrato nila ng kanyang newborn daughter habang pinadedede niya ito.
Sabi ng aktres, handa na siyang umuwi mula sa Makati Medical Center kung saan siya nanganak.
"Finally debloating a little and ready to go home. Makati Med and team has been awesome," saad ni Solenn.
Nitong nagdaang Huwebes isinilang ni Solenn ang ikalawang anak at una nga itong ibinandera ng asawa niyang si Nico through a short Instagram video.
"What a crazy day today! Argentina qualified to the finals of the World Cup with Messi playing a great game. And we just had a super healthy baby girl," sabi ng aktres. "My daughter being born is one million times more important than the finals of the World Cup and it's very unfortunate that I mentioned them both in my previous comment."
Bukod nga kay Baby Lionel, may isa pang anak sina Solenn at Nico, ang lumalaki na ring si Thylane.