
Tatlumpu't limang (35) turista ang naiulat na na-stranded sa Batanes nitong Sabado matapos makansela ang mga flight…

Nanatiling naka-confine sa Philippine National Police General Hospital nitong Miyerkules ang inarestong si Senador…

Tennis star World No.32 Alexandra "Alex" Eala, uuwi ng bansa para sa fan meet kasama ang mga Pinoy na tagahanga.

Patuloy na binabantayan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang lagay ng panahon sa ilang bahagi ng bansa na apektado…

Bagama't parehong binigyan ng perpektong "10/10" na marka ng prosecution at defense panel ang kani-kanilang sarili para…

Read next

What's your take?
Google Preferred Sources
Get more Daily Tribune stories in your search results
Add Daily Tribune as a preferred source on Google Search.
Continue reading
Dahil nalalapit na ang Kapaskuhan, hindi na maiiwasang makaranas ng matinding trapiko sa kalsada dahil talaga namang dumadagsa na sa mga pangunahing terminal sa Kamaynilaan ang mga pasaherong nais na makauwi sa kanilang mga probinsya bago mag-Pasko.
Sa tala ng Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX), nasa 160,000 hanggang 170,000 pasahero na umano ang dumadaan kada araw sa PITX ngayong holiday season at hanggang alas-10 ng umaga ngayong Miyerkoles, umabot na umano sa 32,000 pasahero ang naitala sa PITX.
Fully booked na ang mga biyaheng pa-Bicol sa PITX pero pinipilahan pa rin ang mga ticketing booth.
May mga taong mas piniling umuwi nang maaga sa kani-kanilang mga probinsiya upang hindi na sumabay sa inaasahang mas maraming biyahero habang papalapit ang Pasko.
Payo ng pamunuan ng PITX sa mga gustong makauwi bago ang Pasko, mag-book na ng ticket bago ang Disyembre 23 at 24 para siguradong makakuha ng slot.
Samantala, naglabas ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board ng special permit para sa dagdag na 600 bus na biyaheng probinsiya ngayong dumadagsa na ang mga pasahero.
Ngayong nagluwag na ang mga restrictions sa pagbiyahe, dapat ugaliin pa rin natin na sundin ang mga itinalagang health at safety protocols dahil kahit Pasko ay hindi nagpapahinga ang pandemya.