Google Preferred Sources
Get more Daily Tribune stories in your search results
Add Daily Tribune as a preferred source on Google Search.
Inihayag ng Philippine National Police (PNP) na tinanggal na umano sa serbisyo ang limang pulis na idinadawit sa pagdukot sa isang e-sabong executive sa Laguna noong nakaraang taon.
Ayon kay PNP spokesperson Jean Fajardo, nakitaan ng substantial evidence sa administrative cases ng limang pulis na kasangkot at ang rekomendasyon umano ay ang pagtanggal sa serbisyo.
Dagdag pa niya, kasalukuyang nasa restrictive custody ang limang pulis sa regional headquarters ng Calabarzon police.
Kung matatandaan, nauna nang inirekomenda ng Department of Justice (DoJ) ang pagkakaso sa 3 pulis na umano'y dumukot sa e-sabong executive na si Ricardo Lasco sa San Pablo, Laguna noong Agosto 30, 2021.
"Limang pulis po ito although doon sa inirekomendang kaso ng Department of Justice, tatlo lamang 'yong nahanapan ng probable cause," paliwanag ni Fajardo.
Base sa imbestigasyon, nagpanggap ang mga pulis na agents mula sa National Bureau of Investigation at nagkunwaring maghahain ng arrest warrant kay Lasco dahil umano sa kasong estafa.
Nakuhanan pa ng CCTV ang umano'y kunwaring pag-aresto kay Lasco, na pinosasan pa. Iyon umano ang huling pagkakataong nakita ang e-sabong executive.
Bukod sa pagdukot, inirekomenda rin ng DOJ ang kasong pagnanakaw laban sa mga pulis matapos umanong tangayan ng higit P10 milyong halaga ng pera, alahas at iba pang gamit ang bahay ni Lasco.
Ang kaso ni Lasco ang unang reklamong nalutas ng DOJ hinggil sa mga nawawalang sabungero. Nakabinbin pa sa ahensiya ang reklamo kaugnay sa 30 iba pang nawawalang sabungero.
Samantala, hindi sang-ayon si Fajardo sa pahayag ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na tawaging "dead sabungeros" ang mga nawawala dahil mas mainam pa rin umanong ituring silang nawawala.
"We are still treating the 34 missing dahil wala pa naman po talaga tayong proof of life na nakukuha o nao-obtain to give us an indication na patay na nga pong itong mga ito," ani Fajardo.
Nauna nang sinabi ni Remulla na mas wastong tawagin ang mga sabungero na "dead."
"I wouldn't even want to call them anymore missing sabungeros, but probably dead sabungeros… the probability of them coming out is not very high," una nang nasabi ng kalihim.
Ayon pa kay Fajardo, hindi tumitigil ang PNP sa paghahanap sa mga sabungero.

Tatlumpu't limang (35) turista ang naiulat na na-stranded sa Batanes nitong Sabado matapos makansela ang mga flight…

Nanatiling naka-confine sa Philippine National Police General Hospital nitong Miyerkules ang inarestong si Senador…

Tennis star World No.32 Alexandra "Alex" Eala, uuwi ng bansa para sa fan meet kasama ang mga Pinoy na tagahanga.

Patuloy na binabantayan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang lagay ng panahon sa ilang bahagi ng bansa na apektado…

Bagama't parehong binigyan ng perpektong "10/10" na marka ng prosecution at defense panel ang kani-kanilang sarili para…

Noong Miyerkules, tinupad ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kanyang hangarin na makasama sa pamamahala ng gobyerno…