
Nakapagbakasyon ang dating aktres at kasalukuyang naka-base ngayon sa Amerika na si Michelle Madrigal sa Thailand at Pilipinas kasama ang kanyang non-showbiz boyfriend at sa kanyang IG ay ibinahagi niya ang kanyang larawan kasama ang dyowa na pinangalanan niya bilang "K".
"11 days with you. It was a short but sweet vacation in Thailand and Philippines. I enjoyed being disconnected from the world and not having a phone during this trip," saad ni Michelle.
"Thanks K for being the best travel partner. I can't wait to take the kids with us next time," dagdag pa niya.
Makikita nga sa ilang mga pictures na mukhang naipakilala na nga ni Michelle ang kanyang boyfriend sa ilang mga kaanak maging sa kanyang mga kaibigan dito sa Pilipinas.
Halata ring nag-enjoy talaga ang dalawa sa kanilang naging vacation trip sa Thailand at sa Pilipinas dahil nasolo nila ang kanilang 11 days na bakasyon without their kids.
Matatandaang si Michelle ay may anak na babaeng si Anika sa kanyang ex-husband na si Troy Woolfolk.
Samantalang ang kanyang current boyfriend na si "K" ay may anak rin sa dati nitong karelasyon.
Inamin ni Michelle na nakilala niya sa isang dating app ang kanyang bagong dyowa.
"Okay na okay kasi he's also a dad, he has two kids, and he's also divorced. So, dun kami nagkaroon ng connnection," sabi ni Michelle.
"When we started dating, talagang talking lang. The more I talk to him, the more that I realized we have a lot of core values na mas aligned. It was something I was looking for if I were to date again. Dun na nag-start, I guess, yung relationship," dagdag niya.