
May mga nang-iintriga ngayon sa aktres na si Janine Gutierrez at nagtatanong kung nagdadalangtao nga ba ito matapos magpost ng dalaga ng isang larawan sa IG na kuha
nagdaang ABS-CBN Christmas Special 2022 na nangyari noong Sabado, December 17 kung saan kasama niya ang rumored boyfriend na si Paulo Avelino.
"Merry Christmas," caption ni Janine.
Umani naman ng iba't ibang komento ang naturang post ng aktres mula sa mga fans at supporters nila ni Paulo.
Noon pa man ay hinihinala nang mayroong relasyon ang dalawa ngunit hanggang ngayon ay tahimik pa rin ang mga ito ukol sa tunay na estado ng kanilang relasyon.
Sa kabila naman ng mga kilig comments ng netizen ay may isang nakapansin sa tiyan ni Janine.
Tanong ng netizen, "[Preggy] ka ba? Bakit ang laki ng tiyan mo[?]"
Malumanay naman itong sinagot ni Janine at sinabing, "PMS bloat actually and I've been holiday eating since wala pang taping. It's okay to enjoy the off season [smile] Diet na ulit after Christmas."
Dagdag pa niya, "Sana masarap din kain mo this December [smile emoji]."
Agad namang nag-sorry ang netizen kay Janine sa naitanong nito.