
Tatlumpu't limang (35) turista ang naiulat na na-stranded sa Batanes nitong Sabado matapos makansela ang mga flight…

Nanatiling naka-confine sa Philippine National Police General Hospital nitong Miyerkules ang inarestong si Senador…

Tennis star World No.32 Alexandra "Alex" Eala, uuwi ng bansa para sa fan meet kasama ang mga Pinoy na tagahanga.

Patuloy na binabantayan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang lagay ng panahon sa ilang bahagi ng bansa na apektado…

Bagama't parehong binigyan ng perpektong "10/10" na marka ng prosecution at defense panel ang kani-kanilang sarili para…

Read next

What's your take?
Google Preferred Sources
Get more Daily Tribune stories in your search results
Add Daily Tribune as a preferred source on Google Search.
Continue reading
Ilang araw na lamang at Pasko na, pero ang ilan nating mga kababayan – lalo na ang ating mga tsuper ng mga pampasaherong sasakyan – ay hindi pa rin umano nararamdaman ang Kapaskuhan dahil sa sunud-sunod na pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo.
Siyempre, kung mataas ang presyo ng krudo, inaasahan ring susunod na magtataas ng presyo ang mga pangunahing bilihin.
Sa madaling salita, maging ang sambayanan ay siguradong apektado dito.
Ayon nga sa isang grupo ng mga drayber, hindi pa nila nararamdaman na Pasko na dahil sa taas umano ng presyo ng krudo.
Sinabi ni PISTON president Mody Floranda na masakit sa mga drayber ngayon ang nakaambang muling pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo sa bisperas ng Pasko.
"Ito ang isa nga malaking pahirap ngayung darating na December 24 na kung saan magkakaroon nga ng pagtaas ng halos umaabot ng P2.90 per liter, at ito ay magdudulot ng pabigat sa kabuhayan ng mga drayer at mga operator at siyempre sa ating mga mamamayan," saad ni Floranda.
"Ang sabi nga ay ramdam ba ang Pasko? Eh tipong di po mararamdaman yung Kapaskuhan sapagkat parusa sa atin," dagdag pa niya.
Kuwento pa ni Floranda, umaabot na ng 20 oras ang pamamsada ng ilang mga drayber para lang may maiuwing kita sa kanilang mga pamilya.
"Para matugunan yung pangangailangan, dagdagan yung kita ng ating mga drayber ay hinahabaan nila yung pamamasada na halos umaabot nga ng 12-18 hours at hanggang 20 hours para at least kahit papaano ay meron silang maiuwi sa kanilang pamilya na halos umaabot lamang ng P400-P500," sabi ni Floranda.
Dagdag pasanin pa sa kanila ang matinding traffic sa lungsod, sabi ni Floranda.
"Damang-dama natin yan, talagang wala nang piniling oras na rush hour," dadgag pa niya.
Sana lamang ay matugunan na ang pamahalaan ang problemang ito upang matulungan naman ang ating mga kababayan na kahit paano ay makapag-selebra ng Pasko na walang masyadong iniisip na problema.