Fans ni Kim Chiu nadismaya

Marami umanong mga tagahanga at tagasunod ng aktres na si Kim Chiu ang nadismaya sa nagdaang ABS-CBN Christmas Special 2022 na ginanap noong December 17 dahil hindi umano nabibigyan ng importansya ang aktres kahit na marami na itong naging kontribusyon sa kanyang home network.
"We are not trying to be nega here pero this is not the first time na rin kasi. Medyo sensitive din ako pagdating sa mga ganito kasi unfair talaga for her knowing her contributions to the network," sabi ng ilang fans ni Kim.
Dagdag pa nito, hindi naman daw ito tatawaging "teleserye princess" nang walang dahilan.
May isa pang supporter ni Kim ang nag-tweet at tinawag pa ang pansin ng head writer ng ABS-CBN.
Sey ng supporter ng aktres, "Sana i-consider mo lahat ng factors bago ka mag decide sa billing such as popularity, bankability, achievement & years of service."
Ni-retweet naman ito ni Kim at sinabing, "I think billing is not as important, di rin naman lalaki TF [talent fee] mo if ikaw yun una, huli or gitna. Bastat may trabaho ako okay na po ako dun."
"Salamat sa ABSCBN sa mga opportunities na binibigay nila sa akin. Kahit saan nila ako ilagay okay lang naman po sa akin. [praying hands and heart emojis] still #grateful," sabi pa ni Kim.
May mga komento tuloy sa mga netizen na tila nagpapahiwatig ito na may tsansang lumipat ito sa ibang network.
Sa ngayon ay maraming proyekto ang TV host-actress sa ABS-CBN kaya naman palaisipan sa iba kung susundan nga ba nito ang kanyang boyfriend na si Xian Lim na sa ngayon ay nasa GMA-7 na.
