Shaina Magdayao, gustong mag-settle down

Aminado ang aktres na si Shaina Magdayao na once na maging 30 years old na siya ay gusto na sana niyang mag-settle down at magkaroon ng sariling pamilya, pero ngayong 33 years old na siya, nagbago na raw ang lahat ng pinlano niya noon sa kanyang buhay kabilang na ang pag-aasawa at pagkakaroon ng anak.
Ayon may Shaina, sa estado ng career at personal life niya ngayon, ayaw na niyang bigyan ng deadline ang pagpapakasal kasabay ng pagsasabing hindi siya nagmamadaling magkaroon ng sariling family.
Na-realize raw niya na marami pa siyang kailangang gawin para sa kanyang sarili habang single siya. Sey pa ng dalaga, inakala niyang magkakaroon na siya ng time para sa kanyang lovelife pagkatapos ng "FPJ's Ang Probinsyano" pero hindi pa rin pala.
"Ang tagal ko nang gusto, before sana mag-30, e. Pero like what I said nga, lahat ng plano ko, hindi siya natutuloy. I guess marami pa akong unfinished tasks. I actually thought na paglabas ko ng 'Probinsyano', I would have a time. Sabi ko, 'medyo ready na ko.' Kaso ito yung nangyayari," sabi ng dalaga.
"Hindi naman siya naka-pause. It's just that may mga kailangan lang akong gawin. We'll get there. When I was younger, I said ayokong magkaroon ng distraction. I guess, if it's the right person, that person won't be a distraction but an inspiration for you being a better person sa lahat ng bagay, sa lahat ng aspect ng buhay," dagdag niya.
"So, wala. Malalaman niyo rin naman. I have nothing to hide, and lahat ng nangyayari sa buhay ko naman nalalaman niyo. So time will come, sasabihin ko rin sa inyo, makukuwento ko rin sa inyo. But right now, wala pang certain person, like na iisang tao, wala, wala pa," sabi pa ni Shaina.
