
Aminado ang aktres at Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach na mayroon pa rin umanong mga "toxic" mentality sa Pilipinas at isa na umano rito ay ang walang kamatayang "utang na loob" na naging bahagi na ng kultura ng mga Pinoy na pinaiiral pa rin natin hanggang ngayon.
Sa latest episode ng kanyang online show na "Holding Space", tinalakay nga ng actress at beauty queen ang iba't ibang toxic cultural traits ng mga Filipino.
"May isa akong naalala na toxic culture ng Filipinos, 'yung utang na loob, di ba? Kasi parang walang kamatayan na utang na loob. Parang kailan ba mababayaran ang utang na iyan? Parang kapag may mabuti kang ginawa sa isa, laging meron inaasahang kapalit," saad ng dalaga.
"Relate na relate ako sa topic na to my goodness," dagdag pa niya.
Maraming netizens ang nag-share ng kanilang reaksyon sa topic nina Pia lalo na sa "utang na loob" mentality ng mga Pinoy.
Nasa ibang bansa ngayon si Pia kasama ang kanyang fiancé na si Jeremy Jauncey. Magkasama silang magse-celebrate ng holiday season together with their families.