
Ready na umano ang aktres na si Iza Calzado sa mga challenges na kanyang haharapin kapag isinilang na ang panganay nila ng asawang si Ben Wintle at ayon sa kanya, may nararamdaman siyang takot sa bagong yugto ng kanyang buhay at sa mga responsibilidad na haharapin niya bilang nanay, pero naniniwala siya na kakayanin niya ang lahat ng ito.
"What a huge responsibility and I've always been scared of it. Natatakot ako roon sa responsibilidad. Pero feeling ko kailangan talaga maniwala ka sa sarili mo na kaya mo. Kasi i-e-equip ka naman ni God, ikaw at 'yung nasa paligid mo. So 'yun na lang talaga ang pinanghawakan ko," sabi ni Iza.
"Thankfully wala masyadong physical adjustment. 'Yung energy ko is almost the same, I managed to workout every week, every month. Pero kapag napapagod ako ngayon sasabihin ko, teka, walang masamang magpahinga. 'Yun ang mga adjustments at saka hindi na rin na bago nai-share ko na na 'yung weight ko was my parang battle. Pero ito sabi ko nga weight gain is a sign of healthy baby. I always remind myself so parang kasama siya roon at ini-embrace ko rin 'yung changes. 'Yung belly lumalaki. Kailan pa nga ba? Ang katawan mababawi mo. Hindi 'yan ang dapat mag-define sa atin bilang tao," dagdag pa niya.
Bilang bahagi ng kanyang paghahanda sa pagiging mommy, nagbabasa ng raw siya ng mga libro tungkol sa pag-aalaga ng baby.
Samantala, inalala rin ni Iza ang reaksiyon nila ni Ben nang malamang magiging parents na rin sila.
"Siyempre nagulat ako. Kahit siya, parang 'huh? What?' Tapos pareho kaming nakatulala ng ganoon. Tapos mamaya tatawa kami parang, totoo ba ito?" pagbabahagi ni Iza.
Naging emosyonal naman ang aktres nang mapanood ang video message ng kanyang mister na si Ben Wintle at ng Olympic medalist na si Hidilyn Diaz.
Ito naman ang mensahe niya para sa magiging anak, "You are changing my life already for the better in ways na hindi ko talaga inasahan.
"So thank you kasi kasama nun mas minamahal ko ang sarili ko ngayon, kasi kailangan kong mahalin ang sarili ko dahil kailangan maging at my best 'pag dumating ka. Thank you, anak," sabi ni Iza.