
Tatlumpu't limang (35) turista ang naiulat na na-stranded sa Batanes nitong Sabado matapos makansela ang mga flight…

Nanatiling naka-confine sa Philippine National Police General Hospital nitong Miyerkules ang inarestong si Senador…

Tennis star World No.32 Alexandra "Alex" Eala, uuwi ng bansa para sa fan meet kasama ang mga Pinoy na tagahanga.

Patuloy na binabantayan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang lagay ng panahon sa ilang bahagi ng bansa na apektado…

Bagama't parehong binigyan ng perpektong "10/10" na marka ng prosecution at defense panel ang kani-kanilang sarili para…

Read next

What's your take?
Google Preferred Sources
Get more Daily Tribune stories in your search results
Add Daily Tribune as a preferred source on Google Search.
Continue reading
Ibayong pag-iingat ang kailangang gawin ngayon ng publiko dahil sa dami ng mga naglalabasang modus na ang tanging gagawin ay makapanlamang sa kapwa.
Iba't ibang modus ang lumilitaw ngayon, at lalong talamak ito sa online at sa mga text scams na nanghihingi umano ng pera.
Pero isang modus naman ang nabuking ngayon ng mga otoridad kung saan isang kumpanya ang namemeke umano ng mga resibo para bumaba ang buwis na babayaran ng kanilang mga kliyente.
Ang nasabing modus ay posibleng nagpa-lugi sa gobyerno ng bilyong-bilyong piso.
Nitong nakaraan ay sinalakay ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation-Anti-Organized and Transnational Crime Division ang isang opisina sa loob ng isang residential condominium unit.
Nakita ng mga otoridad ang mga computer at sangkatutak na resibong pineke umano para mabawasan ang babayarang tax ng kanilang mga kliyente.
Makikita naman malapit sa kanilang pintuan ang mga paskil ng kanilang layunin, na pamemeke ng mga dokumento ng BIR, at ang pagpapanggap nila bilang mga tauhan ng corporators ng suppliers para sa mga kliyente.
"Kumikita sila ng 0.8% nu'ng amount na pinagawa roon sa resibo. Ginagamit ito upang mabawasan ang pagbayad ng tax nu'ng mga kliyente. For example, itong mga resibo ay binibigay nila, pinapalabas nila na sila ay gumagastos. Ibabangga nila 'yung sales nila versus expenses, bababa 'yung kanilang income. So liliit 'yung tax na babayaran nila," sabi ni Atty. Rehom Pimentel, Agent III ng NBI-Anti-Organized and Transnational Crime Division.
Nakadestino sa bawat area sa Metro Manila at mga probinsya ang kanilang mga courier kapag gawa na ang peke umanong resibo.
Aabot umano sa mahigit 1,000 kumpanya ang kliyente ng nasabing kumpanya sa buong bansa.
Hindi na talaga maikakaila na dahil siguro sa hirap ng buhay kaya nagkakaroon ng ganitong klaseng mga modus, pero dapat pa ring manaig ang katotohanan at ang pagnanais na maging pantay sa buhay.
Hindi dapat maging dahilan ang kahirapan upang manloko ng kapwa.