SUBSCRIBE NOW SUPPORT US

ILANG MGA PDLs, PINALAYA

Photo by Joey Sanchez Mendoza
Photo by Joey Sanchez Mendoza
Published on

Inihayag ng Department of Justice (DoJ) at ng Bureau of Corrections (BuCor) na pinalaya na nila ang aabot sa 328 persons deprived of liberty at kabilang rito ang nasa 118 inmates mula New Bilibid Prison.

Pinangunahan ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla ang culminating activity para sa mga lalayang PDL.

Simula Enero nitong taon, 5,917 PDL na ang napalaya ng BuCor.

Target din umano ng ahensiya na sa susunod na taon ay doblehin ang bilang ng mga napapalaya kada buwan, na gagawin sa pamamagitan ng tulong ng mga volunteer lawyer.

Ayon kay BuCor officer-in-charge Gregorio Catapang Jr., magtatalaga sila ng volunteer lawyers sa bawat piitan ng BuCor para mas mabilis ma-evaluate ang papeles ng mga PDL na dapat nang lumaya.

"Next year dodoblehin na natin ang lalaya. Kasi ang guidance sa akin ngayon mag-create na ng volunteers na mga abogado bawat region," sabi ni Catapang.

Posibleng umabot sa 2,000 ang mabibigyan ng executive clemency at ayon kay Remulla, target din umanong magsimula ng regional prisons.

"'Yong regional prisons, we want them in by 2025. May umaandar na sa dapat 3 o 4 'yong regional prison and we want them complete by 2027," saad ng DoJ secretary.

Kabilang sa mga nakalaya ang isang 54 anyos na na 30 taong nakulong dahil sa kasong rape.

"Sobra laki panghihinayang ko dahil buong buhay ko dito na lang eh. 'Yong pamilya ko nasira. Lahat nawala. Tapos ganito pa ako lalaya, na-stoke na," sabi pa ng PDL.

Sinalubong siya ng kinakasamang matiyaga umanong bumisita sa kaniya simula 1997.

Lumaya rin ang isang senior citizen na 29 taong nakulong dahil sa murder.

"Plano ko, mayroon ako pamilya, magsama-sama kami ulit," sabi niya.

Latest Stories

No stories found.
logo
Daily Tribune
tribune.net.ph